Umiwas sa Online Bingo Scams: Paano Magsugal ng Ligtas
September 21, 2023 by Macky Escasinas
H
indi mo lubos-maisip na kahit online bingo ay may scam. Dahil ba sikat na ito at isang paraan upang makipag-interact sa ibang manlalaro habang nasa bahay? P’wes, diyan ka nagkakamali, dahil hitik ang internet ng mga scammer na naghihintay lamang ng kanilang susunod na magiging biktima.
Dito sa article na ito, amin kayong tuturuan paano maiwasan ang maloko at mapabilang sa mga biktima ng online bingo scams.
Iwasan ang mga Fake Bingo Sites
Ito ang isa sa mga pinaka-common sa online bingo scams. Karamihan kasi sa mga ito ay walang lisensya, hindi tulad ng mga platforms gaya ng OKBet.
Sa unang tingin, para talagang lehitimo ang mga ito at mayroon silang nakakaakit na mga bonus. Subalit huwag magpapadala sa mga ito! Ang mga promosyon nila at ang buong interface ng website ay dinisenyo upang nakawin ang iyong personal at pinansyal na impormasyon.
Para Maiwasan
Laging tignan sa mga gaming licensing authorities kung kabilang ba sa listahan ang isang partikular na website. Halimbawa, sa Pilipinas, ang namamahala at namimigay ng lisensya sa mga gaming provider ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Kung manlalaro ka sa Pilipinas, i-check muna ang legitimacy ng platform bago maglagay ng kahit na anong sensitibong impormasyon.
Maging Kritikal sa mga Phantom Winnings
Isang pang-akit ng mga online bingo scams na websites ay ang pangako na malaki ang kanilang papremyo. Pero hindi dahil nangako sila ay dapat na itong pagkatiwalaan.
Sa oras na nanalo ang isang player at kukunin na ang papremyo, manghihingi na sila ng kung anu-anong requirement. Kabilang na rito ang magbayad ng additional fee o kaya naman magbahagi ng personal na information.
Para Maiwasan
Sa sandaling nanghingi ng karagdagang impormasyon, o ni-require ka na may gawing ibang task, huwag ng magtuloy pa. Ang mga lehitimong websites ay agad-agad ilalagay sa iyong account ang iyong napanalunan nang walang kahit na anong kapalit.
Rigged ang mga Laro
Madalas din sa mga iligal na bingo operator na nagsasagawa ng mga online scams ay minamanipula ang mga laro. Hinding-hindi mananalo ang isang player dito sapagkat napakataas ng house edge at hindi na makatarungan.
Para Maiwasan
Tignan muna ang return-to-player (RTP) na impormasyon ng laro bago subukang laruin. Kapag mas mababa sa 85% ang RTP, malaki ang tyansa na hindi ito magbibigay ng panalo. Kung wala namang impormasyon patungkol dito, tignan ang developer ng laro sa mga reputable na game developing sites kung nakapasa ang laro sa kanilang assessment.
Stolen na Payment Information
Ang mga online scammers ay may kakayahang nakawin ang payment information ng isang player sa tuwing naglalagay sila ng deposit o nagwiwithdraw sa mga hindi katiwa-tiwala na gambling sites.
Para Maiwasan
Siguraduhin na gumagamit ka ng secure na payment methods at tignan ang security features ng website, gaya ng secured socket layer (SSL) encryption.
Unsolicited Emails at Messages
Ito ay isa ring paraan ng mga gumagawa ng online bingo scams para makakuha ng mga sensitibong impormasyon. Ito ay mga messages na nagsasabing nanalo ang isang manlalaro ng malaking papremyo, o di kaya ay isa ito sa mga nabunot na makakatanggap ng isang malaking prize.
Para Maiwasan
Ito ay isang uri ng phishing para makuha ang iyong personal na impormasyon. Kapag nakatanggap ng ganito ay huwag replyan at agad-agad na i-block ang numero.
Identity Theft
Sa oras na makuha ng mga scammers ang personal na impormasyon ng isang manlalaro, maaring magpanggap sila at gumawa ng mga fraudulent na gawain.
Para Maiwasan
Huwag basta-basta magbigay ng personal na impormasyon sa hindi katiwa-tiwalang mga indibidwal, lalo na at nakilala mo lang ito sa internet. Magbahagi lamang ng iyong data sa mga reputable at licensed na gambling sites.
Iwasan ang Paggamit ng Public Wi-Fi
Kapag naglalaro ng online bingo, madalas sa mga scams na nagaganap ay dahil sa public Wi-Fi dahil hindi ito secure.
Para Maiwasan
Gumamit lamang ng secure at private na network sa pagsusugal upang maprotektahan ang iyong ata.
Konklusyon
Tunay na ang online bingo ay isang nakakaaliw na pampalipas-oras. Subalit importante pa rin na maging mapagmatyag at maging mapaghinala sa mga online bingo scams.
Protektahan ang personal at pinansyal na impormasyon at maging updated sa mga latest na scams sa online bingo community. Gamit ito, makakasiguro ka na hinding-hindi ka magiging biktima ng mga online scammers.
Kung gusto mo ng mapagkakatiwalaang online platform, i-click ang button sa ibaba at mag-register sa isang PAGCOR-licensed na online casino.