Tatlong Blackjack Online Casino Games na Dapat Laruin!

November 7, 2023 by TJ Gacura

OKBet Blackjack Online Casino Games

K

ung mahilig ka sa blackjack online casino games, ito na ang sign mo upang subukan ang mga kakaiba nitong variant. Mayroong tatlong klase ng sikat na card game na sigurado kaming magiging bago mong mga paborito. Kaya naman hindi na namin patatagalin pa at atin nang pag-usapan ang Super Fun 21, Double Exposure, at Blackjack Switch, tatlong bagong variant na may sarili nilang twists at turns.

Super Fun 21: Pinaghalong Excitement at Advantage

Ang Super Fun 21 na makikita sa mga online casino blackjack dito sa Pilipinas ay kakaiba. Hindi lang dahil isa itong variant ng card game, kundi dahil sa aliw nitong hatid lalo na’t p’wede rin ito sa live dealer.

Ito ay madalas na nilalaro gamit ang isang deck, pero mayroon ding mga pagkakataon kung saan ginagamitan ito ng dalawa o anim na standard decks. Pero ang isa sa pinaka-nakakaintriga rito ay ang hole card ng dealer. Sa larong ito kasi, may kakayahan ang dealer na tignan ang kanilang hole card.

Pero ang pinaka-appealing para sa mga manallaro ay dahil ito ay ang even-payout sa oras na makabuo sila ng blackjack. Bukod dito, kapag naglaro ka ng blackjack variant na ito sa online casino, sa oras na parehas na naka-blackjack ang player at dealer, palaging mananalo ang una. Ito ay isang feature ng laro kung saan pinapaburan lagi ang manlalaro.

Hindi rin dito nagtatapos ang saya na hatid ng Super Fun 21, dahil ang player ay maaring bumunot ng hanggang siyam na baraha. Huwag lang talaga samain at lumagpas ang halaga ng hawak na kamay sa 21.

Para talaga sa player ang larong ito. Sa oras na Ace ang face-up card ng dealer, maaring magkaroon ng insurance bet ang player. Hindi lang ‘yan, dahil maari ring mag double down kahit na ilan ang baraha na hawak, pati na ang kakayahang gumamit ng split up hanggang sa tatlong magkakahiwalay na mga kamay. Hindi rin ito masakit sa bulsa lalo na at may late surrender option din ito.

Double Exposure: Pasilip ng mga Baraha

Para sa mga gustong malaman ang hawak na baraha ng dealer, ang Double Exposure Blackjack ang solusyon sa problemang ito. Sa simula pa lang ng laro, nakaharap na agad ang mga baraha ng dealer. Dahil dito, inaalis nito ang pagka-misteryoso ng tradisyunal na blackjack. Subalit, may twist pa rin ang larong ito upang mapanatili ang casino edge.

Ang payout sa variant na ito ay iba sa standard na 3-to-2 sa blackjack. Wala ring insurance sa double exposure, para masiguro na pantay ang laban para sa lahat ng winning hands. Hindi rin p’wde ang push (tie) maliban na lamang kung parehong ang player at dealer ay may blackjack.

Blackjack Switch: Shuffle ng Istratehiya

Gusto mo ba na lumayo sa madalas na takbo o flow ng blackjack? Subukan na ang Blackjack Switch, isang variant na pinag-iisip ang mga manlalaro.

Bagama’t sumusunod ito sa standard na alituntunin, mayroon itong kakaibang twist—ang mga manlalary ay maaring magpalit ng baraha sa pagitan ng dalawa nilang kamay.

Nangangailangan ng mga kakaibang maneuvers para manalo dito, kagaya na lamang ng double-down sa kahit na anong dalawang baraha, pag-double matapos mag-split, o kaya naman re-splitting na hanggang apat na mga kamay.

Hindi mauubusan ng kaba sa larong ito, kaya naman ito ang perpektong laro para sa mga nais na gumamit ng istratehiya sa paglalaro.

Bilang konklusyon, ang mundo ng online blackjack ay malawak ang koleksyon ng mga laro, at bawat isa ay may kani-kanilang altintuntin, istratehiya at kaba. Kaya kung naghahanap ka ng kakaibang blackjack sa paborito mong online casino gaya ng OKBet, o kaya naman naiibang live blackjack online casino game, bakit hindi subukan ang tatlong larong ito? Mag-register na sa ibaba para masubukan ang kakaibang saya na hatid ng Super Fun 21, Double Exposure, at Blackjack Switch!



Scroll to Top