Step-by-Step Guide Paano Tumaya sa Horse Racing sa Pilipinas

September 6, 2023 by TJ Gacura

Step-by-Step Guide Paano Tumaya sa Horse Racing sa Pilipinas | OKBet

Kung gusto mo matuto paano tumaya sa horse racing dito sa Pilipinas, nasa tamang lugar ka. Itong guide na ito ang magtuturo sa iyo ng proseso. Mula sa basics at kung paano ka makakapaglagay ng pusta ng mas epektibo, aming ibabahagi sa iyo ang mga ito. Lahat ng dapat at kailangan mong malaman ay nakapaloob na sa article na ito, at sa bandang dulo, magbibigay din kami ng mga tips para mas maging masaya ang iyong horse betting experience.

Pag-unawa sa Horse Racing sa Pilipinas

Bago natin pag-usapan ang pagpusta at mga pumili ng best horse racing betting strategy, mahalagang malaman ang mga fundamentals ng horse racing sa bansa. Madalas na ang mga karera ay ginagawa sa Manila Jockey Club, o di kaya naman ay sa Philippine Racing Club, kung saan marami kang makikitang thoroughbred at native-bred na mga kabayo. Ang mga karera ay hinahati base sa distansyang kailangang takbuhin ng mga kabayo, edad ng mga ito, at klase ng race track.

Mga Klase ng Pusta sa Horse Racing

Simple: Win, Place, at Show Bets

Ito ang mga fundamental bets at ang starting point para sa mga naghahanap ng pinakamagagandang horse racing betting strategy. Ang “Win” ay ang klase ng pusta para sa kung sino ang first place sa karera, ang “Place” naman ay para sa first at second, at “Show” ay sa first, second o third.

Exacta at Quinella Bets

Itong dalawa ang nasa gitna ng complexity ladder sa horse betting. Ang Exacta bet ay ang paghula sa mga kabayo na magtatapos sa karera bilang first at second place. Dapat nasa tamang order ang mga ito upang manalo.

Samantala, ang “Quinella” bet naman ay ang pagpili sa top two na kabayo. Walang kailangan na order sa uri ng taya na ito.

Trifecta at Superfecta Bets

Para sa mga naghahanap ng mas malaking payout, subukan ang “Trifecta” at “Superfecta.” Dito, kailangang mahulaan, sa tamang pagkakasunod, kung sino ang makakakuha ng first, second, at third (Trifecta) o ang first four (Superfecta) na mga kabayo.

Horse Racing Betting Tips na Kailangan Mo

May tatlo kaming horse racing betting tips na inihanda para sa mga nagsisimula pa lamang dito.

Bisitahin ang Racetrack

Para maging pamilyar sa paglalagay ng pusta sa horse racing, mangyaring magtungo sa mga racetracks na makikita sa Manila Jockey Club o sa Phjilippine Racing Club. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng inisyal na ideya kung ano ang mga kaganapan sa isang karera.

Magpunta sa mga Off-Track Betting (OTB) Outlets

Maari mo ring gamitin ang mga OTB outlets na nagkalat sa iba’t-ibang panig ng bansa, lalo na kung hindi mo kayang pumunta sa isang aktwal na horse racetrack. Sa pagbisita sa mga ganitong lugar, magkakaroon ka ng pang-unawa kung anong istratehiya o klase ng taya ang dapat mong pustahan.

Online Betting

Ito na ang pinakamadaling gawin ngayon, lalo na at sumisikat na ang mga platform tulad ng OKBet. Dito, hindi mo na kailangang magtungo sa isang racetrack o OTB. Makakapanood ka rin ng mga livestream ng karera sa mga websites.

Mahalaga ring unawain ang mga sumusunod para magkaroon ng mas mataas na tyansa para manalo sa horse racing:

Unawain ang mga Odds

Ang mga odds sa Pilipinas ay madalas nasa decimal format. Ito ang nagdidikta ng potensyal na panalo sa pagsusugal.

Halimbawa, ang odds ay 4.50, na ang ibig sabihin ay 4.50 times ang maaring mapanalunan ng iyong taya kung sakaling manalo ang napusuan mong kabayo.

Mag-research at Magsagawa ng Handicapping

Para masiguro na magkakaroon ng accurate na prediksyon, matutong magsaliksik at magsagawa ng sarili mong handicapping ng mga kabayo. Ito ay sa pamamagitan ng pag-analyze ng mga nakaraang performance ng isang kabayo, skills ng handler nito, kondisyon ng track, at ang kasalukuyang form. Para mapadali ang paghahanap ng mga impormasyon na ito, gamitin ang race programs na makikita sa internet.

Magkaroon ng Bankroll Management

Ito na marahil ang pinakaimportanteng tip na maibabahagi namin sa iyo bilang isang manunugal. Sa pagsusugal, kailangang magkaiba ang gastos sa libangan na ito at ang gastusin para sa mga mahahalagang bagay (bayad sa bills, pang-grocery, etc.). Kaya mahalaga na mayroong budget sa pagsusugal na nakahiwalay sa pangunahing panggastos. Ito rin ang makakatulong upang mapanatili ang disiplina sa pagsusugal.

FAQs

Paano ako makakapili ng mapagkakatiwalaang online bookmaker para sa horse racing betting sa Pilipinas?

Madali lang ang paghahanap ng trusted at lisensyadong online bookmaker sa bansa. Magtungo lang sa PAGCOR website dahil doon makikita ang mga awtorisadong sports betting providers.

Gusto kong tumaya sa international horse racing events, p’wede ba rito sa Pilipinas?

Maraming legal online bookmakers dito sa Pilipinas ang may mga horse racing events na nagaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo. Pero siguraduhin na ang napiling platform ay may international betting market.

May free horse racing bets ba sa Pilipinas?

Ilan sa mga bookmakers dito sa bansa ay nagbibigay ng mga promosyon o free horse racing bets. Pero tandaan na ang mga ito ay may mga wagering requirements na kailangang masunod. Kaya aming ipinapaalala na basahin muna ang terms and conditions ng bookie bago i-claim ang bonus.


Register na!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top