Simpleng Gabay Paano Maglaro ng Iba’t-Ibang Bingo Online

September 13, 2023 by Macky Escasinas

K

ung ikaw ay baguhan at hindi alam kung paano maglaro ng bingo online, pero may inisyal na ideya sa paglalaro nito, isipin mo na lang na para ka na ring nasa isang bingo hall. Parehas lamang ang mga patakaran, pero dahil ikaw ay nasa isang digital platform, marami kang klase ng bingo na p’wedeng subukan, at nagiiba-iba ang rules sa bawat variation ng laro.

Kaya naman amin kayong gagabayan para hindi niyo na kailangang mangapa kapag may gusto kayong subukan na klase ng online bingo.

Basic Rules ng E-Bingo

Kagaya ng tradisyunal na bingo, ang online bingo ay kinakailangan din ng cards. Ang kaibahan lang, imbes na sa isang pisikal na table at card, ang mga manlalaro ay nasa isang virtual space. Upang magsimula, kailangan munang:

Mag-register

Ang mga gustong maglaro ng e-bingo ay kinakailangan na may account sa online platform tulad ng OKBet. Kaya naman kung wala ka pang account, gumawa muna. Siguraduhin din na babasahin mo ang terms and conditions ng platform upang hindi magkaroon ng aberya pagdating sa iyong account.

Bumili ng Bingo Cards

Ang bawat bingo player ay kailangang bumili ng bingo card upang makasali sa laro. Ito ay ang mga cards na naglalaman ng grid numbers na nakahilera. Ang mga numero na ito ay hindi magkakapera dahil ito ay resulta base sa isang random number generator (RNG).

Pumili ng Format

May kalayaan ang mga manlalaro na pumili ng klase ng bingo na gusto nilang laruin online para manalo ng pera. P’wede silang maglaro ng 75-ball, o di kaya naman ay 90-ball. Kung gusto naman nila ang medyo mabilis na pace, speed bingo ang maari nilang piliin.

Markahan ang mga Numero

Sa oras na nagtatawag na ng mga numero (mga numero na base sa RNG), maari mo ng markahan ang mga numero sa iyong bingo card. Pero dahil ikaw ay nasa isang e-bingo online platform sa Pilipinas, awtomatik na malalagyan ng marka ang numero sa iyong card.

Para Manalo

Upang malaman kung nanalo ang card, may mga pattern na sinusunod. Sa ibang bingo format, mayroon lamang pattern na kailangang mabuo para manalo. Pero sa tradisyunal na laro, basta’t makabuo lamang ng mga pattern ay maari ng manalo. Madalas na mga pattern sa bingo ay line (horizontal o vertical), apat na sulok, o kaya naman ay full house (blackout).

Rules sa Ibang Online Bingo Games

Narito naman ang mga patakaran sa ibang klase ng e-bingo:

Speed bingo

  • Dahil ang card format ng speed bingo ay 3×3 o 4×4, mabilis ang gameplay nito.
  • Ang range ng mga numero ay nagbabagu-bago, pero ang pinakamataas na bilang ay hanggang 50 lang.
  • Mabilis ang pag-anunsyo ng mga numero (segundo lamang ang pagitan).
  • Ang pattern sa variant na ito ay single line o full card lalo na at maliit lamang ang bingo card. Wala din itong “Free Space.”
  • At dahil mabilis ang gameplay nito, ibig din nitong sabihin ay maliit lang ang premyo na makukuha.

Progressive Jackpot Bingo

  • Pwedeng 75-ball, 90-ball, o 80-ball.
  • Palaki nang palaki ang jackpot prize habang tumatagal ang laro.
  • Para makuha ang jackpot, kailangang makumpleto ng manlalaro ang isang specific na pattern sa loob ng itinakdang bilang ng mga numero na tatawagin.

Team Bingo

  • Hinahati sa grupo ang mga manlalaro
  • Layunin ng bawat grupo ang makabuo ng itinakdang pattern para manalo
  • May multiple rounds na magkakaiba ng objective at pattern na dapat magawa

Ilang Tips Paano Manalo sa Electronic Bingo

May mga inihanda kaming tips para sa iyo na makakatulong paano manalo sa electronic bingo. Ito ay ang mga sumusunod:

Maglaro gamit ang ilang cards

May kasabihan nga na, “the more the merrier.” Sa bingo, para mapataas ang iyong tyansa na makabuo ng mga kinakailangang pattern, dapat marami kang cards na minamarkahan. Ang bawat card ay kakaiba, at kapag lagpas sa isa ang hawak mong bingo cards, mas malaki ang oportunidad na makuha mo ang mga numerong iaanunsyo.

Sa tradisyunal na bingo, ang pagkakaroon ng maraming cards ay nakakalito. Pero kung sa online bingo ito gagawin, mayroon ng auto-daub feature kung saan ang mismong system na ang magmamarka ng mga numero na natatawag.

Pumili ng mga laro na kaunti lamang ang players

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya kapag marami. Tulad na lang sa bingo room. Kapag masiyadong maraming manlalaro, mas lumiliit ang iyong tyansa na tamaan ang pattern na itinakda. Kaya mabuting pumili ng hindi gaanong mataong virtual bingo room.

Tandaan na kapag kaunti lang ang players, mas maliit din ang premyo nito. Subalit, kung ating titignan ang odds na ikaw ay mananalo, sa katagalan, palaki nang palaki ang iyong maaring kitain.

Maglaro sa hindi kasagsagan na oras

Ang ilang online bingo rooms ay may peak at off-peak na mga oras. Subukang maglaro sa off-peak para mas kaunti ang mga manlalaro at mas kaunti ang kompetisyon sa jackpot.

Gamitin ang auto-daub feature

Para ma-manage ang ilang bingo cards, gamitin ang auto-daub feature. Kapag naka-on ito, walang numero ang iyong hindi mamarkahan dahil ang mismong system na ang gagawa nito para sa iyo.

Konklusyon

Bagama’t maraming format ang bingo, halos magkakapareho lamang ang kani-kanilang mga rules. May mga kaunting pagbabago, pero hindi naman ito gaanong makakaapekto sa iyong paglalaro.

Tandaan na mahalaga pa ring maging responsable sa paglalaro lalo na at ang bingo ay isa lamang uri ng mapaglilibangan. Tratuhin ito bilang pampalipas-oras at huwag gawing pangkabuhayan.

Scroll to Top