Para Saan ang Blackjack Counter Online?
September 30, 2023 by TJ Gacura

A
ng blackjack counter online, o kilala rin bilang card counter, ay isang tool na ginagamit ng isang manlalaro upang masundan ang mga baraha na naibigay ng dealer ng blackjack. Hindi naman ito iligal na gawain, pero karamihan sa mga online casino ay hindi nagugustuhan kung ang isang player ay gumagamit ng isang card counting software.
Pero bakit? Para saan ba ang blackjack counter na ito?
Iyan ang ating pag-uusapan ngayon, at kung bakit ginawa ang application na ito para sa laro.
Pag-unawa sa card counting
Sa larong blackjack, ang bawat baraha ay may kaakibat na value. Parehas lamang ang value ng 2 hanggang 10, pero pagdating sa face cards na Jack, Queen, at King, ang bawat baraha ay may halaga na 10 points.
Ang Ace naman ay depende ang puntos. Maaring magkaroon ito ng halaga na 1 o 11, basta’t makakabuti sa baraha ng player. Ito rin ang matatawag na special card sa blackjack dahil flexible ito.
Samantala, ang ginagawa naman ng card counting na software ay naglalagay ito ng value sa bawat baraha. Ang mga high-value cards na (10s, face cards, at aces) ay may negative na value, habang ang mga low-value (2-6) naman ay may positibong value.
Ang ginagawa ng software ay binibilang nito (gamit ang running count) ang mga halaga ng mga baraha na ibinabahagi ng dealer.
Mga Layunin ng Card Counting
Magkaroon ng Advantage
Ang pangunahing layunin ng card counting sa blackjack ay para magkaroon ng edge sa ibang manlalaro.
Halimbawa na lamang ay kapag ang resulta ng card counter ay positibo.Ibig sabihin nito, ang mga baraha sa deck ay halos high-value cards, matutukoy na agad ng player na pabor sa kanya ang sitwasyon.
Bakit?
Dahil ang positive running count ay nangangahulugang mataas ang tyansa na ang makuhang kasunod na baraha ng player ay mataas ang halaga. Bukod dito, pinapataas din nito ang pagkakataon na lumagpas sa 21 ang dealer.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng negative indicator ay may kahulugan na maraming natitirang baraha na may mababang halaga, at hindi ito paborable sa manlalaro. Kapag ganito ang sitwasyon, maaring mag-surrender ang player at mabawi ang kalahati ng kanyang taya.
Magkaroon ng Tyansa na Makapag-Adjust ng Taya
May special feature din ang card counters, at ito ay ang pag-adjust ng mga taya ayon sa running count. Kaya kapag positibo, tataasa nito ang pusta dahil alam nitong pabor ang sitwasyon, at babawasan naman kapag negatibo ang resulta.
Makapag-adjust ng Strategy
Bukod sa betting adjustments na maaring magawa, may kakayahan din ang sinumang gumagamit ng card counter na iayon din ang kanilang istratehiya base sa resulta.
Halimbawa, maaring magkaroon ng insurance o backup plan kapag ang bilang ay mataas dahil mataas din ang tyansa na makakuha ng blackjack ang dealer.
Undetected
Ito ang pangunahing dahilan bakit pangit ang dating ng mga card counter sa mga online casino gaya ng OKBet. Dahil hindi ito nakikita ng system, lalo kapag sinamahan ito ng pabagu-bagong taya at pagkubli na parang normal lamang na manlalaro.
Bukod dito, may statistical advantage ang gumagamit ng card counter, kaya nawawala ang essence ng fair play, na nagiging dahilan bakit nababansagang madaya ang mga platform.
Konklusyon
Tunay nga na hindi iligal ang card counting sa blackjack, ngunit pagdating sa moral at ethics, mapapabilang na ito sa mga klase ng pandaraya. Maging patas lamang sa laro at gumamit ng mga istratehiya upang manalo.