Panganib na Hatid ng Tie Bet sa Baccarat

December 3, 2023 by Macky Escasinas

OKBet Tie Bet

I

sang klasiko at sophisticated na laro ang baccarat, na siyang umaakit sa milyung-milyong manlalaro dahil sa pagiging simple at elegante nito, ngunit sa kabila ng marami nitong opsyon na p’wedeng lagyan ng taya, isang partikular na pusta ang hindi mo dapat gawin: pumusta sa tie bet.

Nakakapagtaka, hindi ba? ‘Yan ang ating pag-uusapan sa article nito at ipapaliwanag namin sa iyo ang mga rason bakit hindi dapat gaanong pag-aksayahan ng salapi ang opsyon na ito.

Pag-unawa sa Baccarat

Bago natin simulang pag-usapan ang panganib na hatid ng tie bet sa baccarat, mahalagang maunawaan ang basics ng laro. Ang laro ay palaging kinasasangkutan ng dalawang kamay—ang kamay ng player at kamay ng banker.

Layunin mo bilang mananaya ay maglagay ng pusta sa kamay na tingin mo ay may total value na pinakamalapit sa 9. Maari ka ring pumusta sa tie, kung sa tingin mo ay may tyansa na parehas ng value ang hawak na mga baraha ng player at ni banker.

Bakit Marami ang Nae-engganyo sa Tie Bet?

Marami ang nate-tempt sa opsyon na ito dahil mataas sa mataas na potensyal na kita. Dito, ang odds ay naglalaro sa pagitan ng 8:1 at 9:1, kaya sino ba naman ang hindi maaakit dahil maaring siyam na beses ng iyong taya ng maaring bumalik sa kanila. Maganda man ang potensyal na p’wedeng kitain, hindi naman nito maitatago ang panganib at napakababang tyansa ng pagkakaroon ng tie.

Posible rin na kaya maraming nahuhumaling sa betting option na ito ay dahil ang tao ay mahilig sa mga kakaibang resulta. Ang prospect na maaring magkaroon ng malaking panalo ay sinasapawan ang kanilang pagiging rasyonal, na siyang nagtutulak sa mga manlalaro na magpadalos-dalos sa mga desisyon.

Panganib sa Pagtaya sa Tie Bet

Ang odds ay kontra sa’yo

Oo, nakakaakit ang payout. Pero ang katotohanan, mayroon itong napakababang probability na manalo. Ang larong baccarat ay isang game of chance, at ang paghula na mangyayari ang isang tie sa pagitan ng player at banker ay isang suntok sa buwan. Kung titignan kasi, kahit na ang payout ay 9:1, nangangahulugan din na ang odds nito ay 9 to 1, na isang dahilan bakit halos imposible itong mangyari.

House edge

Sa mundo ng casino, ang house ay palaging mayroong edge sa mga laro. Kahit ang baccarat ay walang kawala sa house edge na tinatawag. Palaging may kaunting edge sa betting options sa laro, ngunit mas mataas ang house edge sa opsyon na ito kumpara kapag tataya ka sa player o sa banker. Ang mga platforms maging ang OKBet ay laging sine-set ang odds na papabor sa kanila. Ibig sabihin, ang pagtaya sa opsyon na ito kahit na may mataas na payout ay hindi pabor sa mga manlalaro lalo na kung naghahanap sila ng pangmatagalang tagumpay.

Pangangasiwa ng bankroll

Masakit din ito sa bankroll. Dahil masyadong maliit ang tyansa na mag-tie ang banker at player, madalas ding matatalo ang manlalaro kapag ito lang ang kanilang tatayaan. Kahit na sabihing mababawi ang talo sa oras na tumama ito, hindi ito isang magandang mindset sa sugal. Napakaimportante ng tamang pangangasiwa ng bankroll at ang madalas na pagkatalo ay mabilis ding makakasunog ng pondo.

Hindi Epektibo ang mga Istratehiya

Mayroon kaming inihandang komprehensibong gabay para sa paglalaro ng Baccarat sa Pilipinas. Subalit, hindi lahat ng nakapaloob doon na mga istratehiya ay bagay gamitin dito.

Gaya nga ng aming sinabi, masyadong mababa ang tyansang magkaroon ng tabla sa pagitan ng player at banker. Dahil sa halos imposible itong mangyari, hindi magiging epektibo ang mga paraan at teknik na aming ibinahagi sa inyo sa nakaraang blog post.

Para masigurong tumagal ang iyong bankroll, ugaliing tumaya sa banker o player. Kahit na mababa ang payout ng dalawa, mataas naman ang tyansa na manalo rito. Oo, konserbatibo ang pamamaraan na ito, pero sigurado naman na may babalik sa mga pusta mo.

Konklusyon

Elegante at simple ang baccarat, at tunay na malaki ang kita sa ikatlo nitong opsyon na tie bet. Subalit dahil sa napakababa nitong probability, hindi ito magandang ideya bilang isang pangunahing lagyan ng pusta sa paglalaro ng baccarat. Pinaka-safe pa rin na pustahan ay ang banker at player. Kahit na mababa ang payout, mababa rin ang tyansang matalo.

Ngayon, nadagdagan na naman ang iyong kaalaman sa pagsusugal. Kung wala ka pang account sa isang mapagkakatiwalaang platform, mag-register lang sa ibaba.

Scroll to Top