Pagganap ng Iba’t-ibang Online Bingo Cards

September 17, 2023 by TJ Gacura

A

ng mga online bingo cards ay may iba’t-ibang disenyo at laman. Ngunit, lahat ng mga ito ay may parehong elemento na importante sa paglalaro ng bingo: upang masubaybayan ang mga numero na lalabas.

Pero bakit may iba’t-ibang cards sa online bingo?

Kaya may iba’t-ibang cards kahit sa electronic bingo ay dahil may mga format ang laro na kinakailangan ng mas maraming number o mas kaunting number. Bukod pa dito, may mga klase din ng bingo na kailangan ng kakaibang cards.

Para sa Entertainment

Kapag iba-iba ang bilang ng grid, mas nakakaaliw ito at engaging. Ang mga manlalaro ay maaring lumipat sa iba’t-ibang format.

Bilis ng Laro

Ang laki ng grid ay nagdidikta rin ng tempo ng laro. Kapag mga mabibilis na format tulad ng speed bingo, maliit lamang ang grid nito (3×3). Pero kung para sa full bingo experience, ang paglalaro ng 90-ball na may 3×9 na grid ang magandang laruin.

Strategy

May mga bingo format na kinakailangan ng istratehiya, katulad na lamang ng 75-ball kung saan kailangang isaalang-alang ng mga manlalaro ang salitang B-I-N-G-O habang sila ay nagmamarka ng mga numero.

Iba’t-ibang Bingo Games at ang Kanilang Cards

Classic Bingo

Sa classic na bingo, ang cards ay ang standard. Ito ay ang mga card na may 5×5 grid. Sa gitna naman, madalas na may “free” na ang ibig sabihin ay awtomatikong namarkahan na ito.

75-Ball

Sa 75-ball, parehas ito sa klasiko na variant na gumagamit ng 5×5 cards. Ito rin ang isa sa mga madalas na laruin na bingo sa mga online platforms gaya ng OKBet. Ang bawat column ay nakaayon sa mga letrang B-I-N-G-O. Nakabase sa mga letra ang mga numero.

90-Ball

Ito naman ang medyo malaking klase ng bingo game. Kaya naman kailangan din ng mas malaking bingo card, kung saan ang grid ay 3×9. Mayroon itong 27 na spaces at ang bawat hanay ay may siyam na random na mga numero mula 1 hanggang 90.

Speed Bingo

Ito ang pinakamabilis na variant ng bingo. Dahil nga “speed” kinakailangan na ang card nito ay mas maliit. Layunin din ng mga manlalaro nito na makabuo ng simpleng patterns gaya ng isang horizontal o isang vertical o diagnoal. Kaya naman ito lamang ay may numero mula 1 hanggang 50 na nakapaloob sa isang 3×3 na grid. Ito rin ay cheap ang presyo kaysa sa ibang online bingo games.

Pattern Bingo

Layunin ng mga manlalaro sa pattern bingo ay ang makabuo ng isang simbolo o pattern (i.e “T” o “L”). Bagkus, ang bingo cards ay may sari-sarili ring pattern base sa hinihingi ng announcer.

Themed Bingo

Sa mga ganitong klase ng bingo game online kung saan p’wede ring manalo ng pera, ang mga cards ay may kakaibang disenyo na angkop sa tema ng laro. Halimbawa na lamang ay ang holiday-themed bingo kung saan ang mga cards ay may mga imahe na may kinalaman sa mga holidays.

Bilang kabuuan, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang bingo grids at cards ang dahilan bakit nakakaaliw laruin ito. Natutugunan din nito ang bawat kagustuhan ng mga manlalaro. Kaya naman kung gusto mo subukan ang e-bingo, pindutin na ang button sa ibaba!

Scroll to Top