Pag-usbong ng E Bingo Online sa Pilipinas
September 20, 2023 by TJ Gacura

N
oong mga nakalipas na taon, madalas na makikita ang bingo na nilalaro sa mga bingo hall, na ngayon ay nabago na dahil sa pagsikat ng e bingo online sa Pilipinas. Pero paano nga ba nito pinalitan ang tradisyunal na laro? Iyan ang ating aalamin ngayon.
Kasaysayan ng Bingo sa Pilipinas
Bago natin pag-usapan ang paglago ng e bingo online sa Pilipinas, atin munang balikan pansamantala ang kasaysayan ng laro, at paano ito naging isang sikat na pampalipas-oras ng mga Pinoy.
Introduksyon ng Bingo sa Bansa
Hitik ang kasaysayan ng bingo. Sa katunayan, dinala ang bingo sa bansa at ang nagpakilala ng laro sa mga sinuanang Pilipino? Mga misyonaryo, o ang Christian Church.
Hindi matukoy ang taon kung kailan ito mismo ipinakilala sa ating mga ninuno pero ginamit ito ng mga misyonaryo upang pagkonektahin ang mga residente. Kalaunan, sumikat ito at naging isa mga pinakatanyag na sugal sa Pilipinas.
Paglaganap ng Bingo Halls
Hindi nagtagal, at dahil na rin sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa laro, itinayo ang mga commercial bingo halls. Matatagpuan ito madalas sa mga resort at bingo clubs.
Itinuring na rin ito bilang isang klase ng pakikihalubilo, at maging isang activity sa mga charity at fund raisers.
Regulation 1976
Itinatag ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nong 1976. Layunin nito ang i-regulate at pamahalaan ang mga casino sa bansa. Kasabay ng pagkakabuo ng PAGCOR, nagkaroon na rin ng regulation ang bingo at mga operators nito.
Pagsikat ng E Bingo Online sa Pilipinas
Ayon sa pagsusuri ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa PAGCOR, 33% ng mga Pilipino ang tumatangkilik sa online bingo at iba pang online games. Sa kabilang banda, mahigit 39,000 naman ng populasyon ang nasa gambling industry.
Maraming sa mga mamayan ng bansa ang naglalaro nito, pero ang malaking tanong: BAKIT?
Ito ang mga dahilan bakit umusbong ang e bingo online sa Pilipinas:
Accessibility at Ease sa Paggamit
Ang laro ay madalas ginagawa sa mga bingo halls at land-based casinos at ang demographic nito ay puro matatanda. Subalit sa sa online bingo, hindi lamang matatanda ang target nito, kundi na rin ang mga makabagong henerasyon. Ibig nitong sabihin, hindi na naging limitado ang appeal ng bingo, at basta may stable na internet connection, kahit sino ay maaring maglaro nito.
Kinagandahan pa nito ay pinadali ang paraan kung paano manalo sa electronic bingo. Sa mga online platforms gaya ng OKBet, hindi na kailangang maghintay ng matagal upang ma-redeem ang napanalunan dahil automatic itong mapupunta sa iyong account.
Convenience at Simplicity
Ang mga bingo machine online ay simple lang at convenient na laruin, kaya naman malaki ang tulong nito sa patuloy na pagsikat ng laro. Sa e-bingo, simple lamang ang intructions: maunang makabuo ng winning pattern o di kaya ay makagawa ng blackout.
Dahil sa napakasimpleng objective na ito, hindi na kinakailangan pa ng mga skills upang manalo. Talagang iaasa mo ito sa swerte at sa ganda ng bingo card na iyong napili para manalo.
Social Element
Bago pa mag-improve ang teknolohiya sa Pilipinas, hindi gaanong pinapansin ang electronic bingo. Marahil ay dahil sa kakulangan ng paraan upang makipag-usap sa mga kalaro. Subalit dahil gumanda na ang teknolohiya at na-integrate na ang chat feature at live stream, nagkaroon na rin ng social element ang electronic bingo machine na dati rati’y makikita lang sa mga bingo hall.
Free Games at Bonuses
Ito ang hindi matutumbasan ng mga bingo halls: free games at bonuses. Karamihan sa mga e bingo online platforms sa Pilipinas ay may mga promosyon na umaakit sa mga manlalaro, matanda man o bata. Ito rin ang isa sa mga dahilan bakit dumadami ang mga manlalaro ng online bingo dahil may karagdagang paraan sila upang manalo ng hindi nagbabawas sa kanilang bankroll.
Ngayong alam mo na ang dahilan bakit umusbong ang e bingo online sa Pilipinas, oras na upang laruin ito! Kung wala ka pang account, pindutin lang ang button sa ibaba!