Paano Manalo sa Baccarat Online Casino: Tips at Strategies

September 7, 2023 by Macky Escasinas

Paano Manalo sa Baccarat Online Casino Tips at Strategies | OKBet

Paano Manalo sa Baccarat Online Casino?

May iba’t-ibang paraan paano manalo sa baccarat online casino, at ang pagtuklas kung ano ang pinakamagandang istratehiya ay naglalaro sa tinatawag na “trial and error.”

Kaya kung gusto mong magkaroon ng isang konkretong paraan sa larong ito, kailangan mong gumamit ng mga subok na baccarat betting techniques, at pumili alin sa mga ito ang magbibigay sa iyo ng panalo.

Narito ang isang detalyadong gabay, pati mga tips mula sa OKBet na may posibilidad na p’wedeng subukan ng mga manlalaro.

Pero tandaan, ito ay isang laro ng tyansa at diskarte. Walang kahit na anong baccarat tricks ang garantisado na magbibigay ng panalo sa bawat paglalagay ng pusta.

Gayunpaman, mahalagang maunawaan ang rules dahil ang pagkakaroon ng malalim na pang-unawa sa laro ang magsisilbing panuntunan ng player para sa techniques na gagamitin niya sa baccarat.

Kilalanin ang Mga Uri ng Taya sa Baccarat:

Taya sa Player (Punto)

Ito ay taya para sa kamay ng Player. Binabayaran ito ng 1:1. Maaring tawagin itong “punto” sa ibang pagkakataon.

Taya sa Banker (Banco)

Ito ay taya para sa kamay ng Banker. Binabayaran ito ngunit may maliit na komisyon na babawasin. Ang taya sa Banker ay may mas mataas na tsansa ng panalo.

Taya sa Tie

Ito ay taya para sa pagkakaroon ng parehong puntos sa Player at Banker. Bagama’t mataas ang payout nito, mababa ang tsansa ng pangyayari.

Mga Baccarat Betting Strategy na P’wedeng Gamitin

1. Martingale Strategy

Sa Martingale Strategy, dadagdagan ang taya kapag natalo at ibababa naman ito kapag nananalo. Halimbawa, kung natalo ka sa isang taya na P10, gagawin mo itong P20 sa susunod na round. Ang layunin dito ay mabawi ang mga nawalang taya at magkaroon ng kita.

2. Paroli Strategy

Kasalungat ng Martingale ang Paroli sapagkat tataasan lamang ang taya kapag nanalo at babawasan naman kapag natalo.

Halimbawa, kung nanalo ka sa isang taya na P10, tataasan mo ito at gagawing P20 sa susunod na taya. Ang layunin ay gamitin ang kinita mula sa sunod-sunod na panalo, at yun ang gawing pangpusta.

3. Fibonacci Strategy

Ang Fibonacci naman ay hango sa mathematical na Fibonacci sequence. Ang susunod mong taya ay dapat ang kabuuan ng dalawang naunang taya. Halimbawa, kung ang huling taya mo ay P10 at ang una ay P5, ang susunod mong taya ay P15.

Mga Karagdagang Tips:

Tandaan ang Kamay ng Banker.

Ang Banker ay may mataas na tsansa ng panalo, kaya’t ito ay maaaring maging magandang desisyon na paboran ito.

Iwasan ang Tumaya sa Tie

Bagama’t mataas ang payout sa taya sa Tie, ito ay may napakababang tsansa ng pangyayari. Kadalasan, ito ay hindi inirerekomenda.

Mag-ingat sa Emosyon

Huwag hayaang makaapekto sa iyo ang emosyon mo kapag natatalo. Maglaro nang may malamig na ulo at hindi base sa galit o frustration.

Mag-aral Mula sa Iba

Magbasa ng mga artikulo, manood ng mga video, at makipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro. May mga tips at karanasan silang maaaring magbahagi.

Konklusyon

Walang masasabing best baccarat betting strategy. Bagkus, kinakailangan lamang ng tamang diskarte, maingat na pagsasanay, at responsableng paglalaro para mapataas ang tyansa na manalo. Lagi ring tandaan: sa sugal, hindi sa lahat ng oras ay panalo.


Register na!

Scroll to Top