Paano Maglaro ng Blackjack 21 Online?

September 30, 2023 by Macky Escasinas

OKBet Blackjack 21 Online

A

ng blackjack 21 online ay isang sikat na laro sa mga online casino, tulad ng kasikatan na tinatamasa nito sa mga tradisyunal na platform. Naging popular ito sa mga manlalaro dahil isa lamang ito sa mga iilang card game na hindi lang bumabase sa swerte para manalo. Bagkus, mayroon ding elemento tulad ng istratehiya na kinakailangan para maging matagumpay sa blackjack.

Kaya kung ikaw ay isang baguhan na naghahanap ng step-by-step guide paano maglaro ng blackjack 21 online, ito na ang hinahanap mo sapagkat aming ituturo sa inyo sa pinakasimpleng paraan paano laruin ang sikat na card game na ito.

Bago Maglaro ng Blackjack 21

Hindi ka makakapaglaro ng card game na ito, o makakapagsugal sa kahit na anong online tayaan hanggat hindi mo nagagawa ang mga sumusunod.

Pumili ng Tamang Online Casino o Platform

Dahil ang blackjack online ay isang uri ng sugal, kinakailangang pumili ka ng isang platform na mapagkakatiwalaan at hindi ka ilalagay sa kahit na anong kapahamakan. Marami kasing mga betting websites ang hindi lisensyado at ginagamit ang impormasyon ng kanilang mga manlalaro upang gumawa ng krimen tulad ng money laundering, identity theft, atbp.

Pumili ng isang online casino platform na may lisensya. Halimbawa na lamang ay ang OKBet, isang onling betting na website na awtorisado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Gumawa ng Account

Para ma-access ang produktong napili, kinakailanang mag-sign up ka, kung saan kailangan mong ilagay ang iyong mga basic na impormasyon gaya ng pangalan, edad, etc. Sa step na ito, gagawa ka rin ng unique na username at strong password.

Magdeposito

Opsyonal lamang ito, lalo na kung ang platform na napili ay may free blackjack online na promosyon bilang parte ng kanilang sign-up bonus. Kung wala, kinakailangang maglagay ng pera sa iyong account para makapagsimulang maglaro ng tunay na pera.

Magpunta sa Card Games Section at Piliin ang Blackjack

Matapos na makapag-log in sa account, at makapagdeposito, hanapin lamang ang card games section ng platform. Piliin ang blackjack o ang iba pa nitong variant.

Maglagay ng Taya

Bago magsimula ang bawat round, kinakailangan mo munang maglagay ng taya. Pindutin ang betting area upang makapili ng halaga na nais mong ipusta.

Tanggapin ang Iyong mga Baraha

Kapag nakapaglagay na ng pusta, bibigyan ka ng “virtual” dealer ng dalawang baraha ang mga kalahok. Samantala, ang dealer naman ay kukuha ng isang baraha na ipapatong ng naka-face up.

Gumawa ng Desisyon

Base sa dalawang hawak mo na baraha at sa baraha ng dealer, gagawa ka ng desisyon kung ikaw ba ay tatawag ng:

  • Hit – kumuha ng isa pang baraha
  • Stand – hindi na magdadagdag ng baraha
  • Double Down – isa itong online blackjack na side bet kung saan dodoblehin ang inisyal na taya at tumanggap ng isa pang baraha
  • Split – isa pa uling side bet na ginagawa lamang sa sandaling may magkaparehas na barahang hawak. Maari mo itong hatiin sa dalawa na may magkaibang pusta

Maghintay ng Desisyon ng Dealer

Sa oras na nakapagdesisyon na ang lahat ng manlalaro, ang dealer naman ang gagawa ng hakbang na ayon sa mga naging desisyon ng mga manlalaro. Ipapakita ng dealer ang ikalawa nitong baraha basta ayon sa isang set ng altintunin pagdating sa mga adisyunal na pagbunot ng mga baraha.

Magkumpara ng mga Kamay

Matutukoy ang nanalo sa laro sa oras na paghambingin ang mga baraha ng mga player at ng dealer. Kung sino ang may kabuuang puntos na pinakamalapit sa 21 nang hindi lumalagpas dito ang siyang tatanghaling panalo.

Kolektahin ang Panalo

Kung ikaw ang nanalo, ang iyong napanalunan ay awtomatikong mapupunta sa iyong account.

Maglaro Ulit o Mag-Cash Out

May dalawa kang opsyon matapos ang isang round: magpatuloy o umalis sa laro. Kung pinili mong umalis na sa laro, maari ka ng mag-cash out ng iyong napanalunan.

Ngayong naintindihan mo na kung paano maglaro ng blackjack 21, subukan na ito ngayon! Pindutin lang ang button sa ibaba!

Scroll to Top