Paano Maging Winner sa Sports Betting?

November 22, 2023 by TJ Gacura

OKBet Winner Sports Betting

P

ara maging winner sa sports betting, mahalagang isaisip ang kasabihan na “maraming paraan para balatan ang isang pusa.” Kung titignan sa pananaw pagdating sa sugal, nangangahulugan ito na maraming paraan upang manalo sa sports betting. Kaya naman aming ituturo sa inyo ang iba’t-ibang paraan upang tawagin ang sarili bilang isang winner sa sports beting.

Maging Winner sa Sports Betting Gamit ang mga Sumusunod:

Line Shopping at Steam Chasing

Ang line shopping ay isang napakadali at simpleng paraan upang magkaroon ng edge. Ito ay isang teknik kung saan naghahanap ang manlalaro ng sharp at katiwa-tiwalang mga linya na mula sa mga reputableng online sports betting sites gaya ng OKBet. Ngayon, maghahanap naman sila ng ibang website na mabagal mag-update ng kanilang mga linya.

Madalas na nangyayari ito sa huling oras bago magsimula ang laro. Ang isang bookmaker ay maaring maglista ng isang koponan na nasa -3 tapos bigla na lamang magbabago ito at bumaba, una magiging -2.5, hanggang sa bumaba ito ng -2, at sa huli ay -1.5.

Pero tandaan na sa tuwing may linya na -2.5 ang isang merkado, may iba na nag-aalok pa rin ng -3. Ito ang isang magandang oportunidad upang kunin ang underdog at habulin ang steam.

Sundan ang isang Respetadong Capper

Minsan, makakahanap ka ng isang handicapper na magbebenta o mamimigay ng picks. Mapagkakatiwalaan ito dahil mayroon itong solid na track record bilang patunay.

Mayroong ilang katiwa-tiwalang sites gaya ng wizard of odds sa sports betting, kung saan nagbibigay ito ng mga analysis sa napiling pick na magagamit mo para kumita. Pero tandaan: kailangang maaga dito, dahil ito ang oras kung saan ang ‘steam’ ay binabanggit.

Bago tayo magpatuloy, sa mga hindi nakakalam, ang ‘steam’ na tinatawag ay ang mga biglang pagbabago sa betting lines o odds mula sa mga sportsbooks. Nangyayari ito sa tuwing mayroong malaki bilang ng taya ang nailagay sa isang panig. Kapag gumalaw ang steam, ibig nitong sabihin ay may malakas, at informed na action sa isang partikular na panig ng taya.

Bonus Chasing

Ang mga magagandang bookmaker sites ay nagbibigay ng mga magagandang promosyon na maaring magamit sa sports betting. Bukod dito, kapag tama ang paggamit ng mga bonus gaya ng welcome bonus o no-deposit bonus, magagamit mo ang martingale teknik sa sports betting, o kaya arbitrage method.

Mayroon ding mga espesyal na bonus tuwing playoffs sa NFL, NBA, o anumang major sporting league tournament. Kaya maging mapagmatyag kapag nasa punto na ng playoffs ang season.

Oras ng Bayaran

Siyempre, kapag nanalo sa sports betting, walang saysay kung hindi ka mababayaran. Kaya siguraduhin na sumubok lamang na pumusta sa mga pinagkakatiwalaang bookmaker. Pero huwag ding matakot na subukan ang mga baguhang platform, basta’t may lisensya sila.

Maganda ring magbasa online tungkol sa website na susubukang tayaan upang malaman kung ano ang mga sinasabi ng iba nitong player. Bisitahin din ang kanilang live chat para malaman kung ano ang kanilang withdrawal options.

Mga Dapat Iwasan

Isa sa pinakaimportanteng aspeto para maging winner sa sports betting ay ang kaalaman kung ano ang mga dapat iwasan. Narito ang ilan sa mga bagay na hindi dapat gawin sa sports betting:

  1. Iwasang magbayad ng -110 sa -105 lalo na kung available naman ito kahit saan.
  2. Huwag tumaya ng sobra sa normal lalo na kung naipit ka sa araw/linggo/buwan/taon.
  3. Huwag ding sobrahan ang taya dahil ang laro ay pinapakita sa telebisyon.
  4. Umiwas sa tumaya sa teasers, parlay, at future betting. Ang mga merkado na ito ay walang gaanong halaga, maliban na lang kung gumagamit ka ng line shopping o ibang paraan upang i-scout ang isang magandang value.
  5. Hangga’t maari iwasang tumaya sa iyong paboritong team. Ang layunin mo ay manalo ng pera at hindi maging emotionally invested sa isang panig.

Konklusyon

Maraming bagay ang dapat bigyan ng konsiderasyon sa pagtaya sa sports. Kung ang layunin mo ay ang magsaya, magandang sundin ang mga nakasulat dito. Ito ay upang tumagal ang iyong pera at masulit mo ang bawat sentimo na laman ng iyong bankroll.

Ngayon, kung naghahanap ka ng platform para sa sports betting, gumawa lang ng account gamit ang button sa ibaba.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top