Online Bingo at Slots, May Pagkakatulad Ba?

September 17, 2023 by Macky Escasinas

A

ng online bingo at slots ay magkaibang casino game, pero kung titignang mabuti, may pagkakahalintulad ang dalawang laro.

Kaya naman dito sa blog post na ito, ating pag-uusapan ang mga pagkakatulad ng dalawa.

Mga Aspeto na Parehong Makikita sa Online Bingo at Slots

Sa aming pagsasaliksik at paghahambing, nadiskubre namin na may anim na bagay kung saan hindi nagkakalayo ang mga larong ito.

Pareho silang games of chance

Ang bingo at slots ay parehong games of chance dahil ang resulta ng dalawa ay nakasalalay sa isang random number generator (RNG). Ito ay isang software na ginagamit ng mga online casino platforms gaya ng OKBet upang mapanitiling patas ang at walang halong daya ang bawat magiging resulta ng laro.

Hindi kumplikado

Kung titignan nating maigi, hindi kumplikado ang dalawang laro. Hindi mo kailangan sa isang online slot machine ng tricks o “cheats” para manalo, gayundin sa bingo. Hindi rin mahirap intindihin ang alituntunin ng dalawa, kaya’t kahit baguhan ay kayang laruin ang online slots at bingo.

May iba’t-ibang tema

Sa parehong laro, may iba’t-ibang tema ang bawat isa upang bigyang kulay ang mga klasikong laro na slots at bingo. Sa bingo, may samo’t-sari itong format base sa klase ng bingo cards. Mayroon itong 5×5 at 5×4 para sa 90-Ball Bingo o 80-Ball. Kung gusto naman ng manlalaro ng mabilis na gameplay, ang bingo card na may 3×3 grid ang gagamitin dahil kaunti at simple ang numero at pattern dito.

Ang online bingo ay may variants din. Kung gusto ng isang player na maglaro kasama ang isang grupo, maari niyang subukan ang Team Bingo; kung gusto naman niya ng paunahang makabuo ng isang partikular na pattern, bakit hindi ang Pattern Bingo.

Samantala, ang online slots naman ay mayroong mga tema na buhat sa mga movies, TV shows, holidays, o di kaya’y pop culture. Ang mga larong ito ng slots ay may kanya-kanyang volatility at bilang ng paylines.

Parehong may progressive jackpots

Sa bingo, may variant ito na Progressive Bingo. Sa larong ito, kinakailangang mabuo ng mga manlalaro ang isang partikular na pattern sa loob ng nakatakdang bilang ng mga numerong nabunot. Kapag walang nakabuo, lalaki ang jackpot. Uulit lamang ito kapag may isang maswerteng manlalaro na malalagpasan ang challenging na aspeto ng laro.

Ganoon din sa online slots, kung saan mayroon itong Progressive Slots kung tawagin. Dito, palaki nang palaki ang jackpot prize hangga’t walang manlalaro na maswerteng makakabuo ng winning pattern. Uulit din ito sa inisyal nitong jackpot prize sa oras na may isang player ang makakuha ng tamang pattern.

Instant na kasiyahan

Ang bingo at slots ay parehong may kakayahan na magbigay ng instant na kasiyahan. Sa bingo, ang laro nito na Speed Bingo ang isang paraan kung ang hangad ay mabilis na paraan para manalo. Sa slots naman, ang bawat pag-spin ay may potensyal na manalo o matalo.

Bonuses at Promosyon

Dahil pareho na ang dalawa na lumipat sa digital realm, mayroon na itong mga offers na makikita lamang kung maglalaro sa mga online casino platforms. Ang bingo at online slots ay mayroong welcome bonus para sa mga bagong player.

Gamit ang mga promosyon na ito, ang mga manlalaro ng bingo at online slot machines ay maaring manalo ng totoong pera kahit na wala silang deposit. Bilang karagdagang pang-akit, ang mga online games gaya ng bingo at online slots ay may free spins na ibinibigay sa parehong baguhan at beteranong manlalaro.

Nakita mo na? Ang dalawa ay may pagkakatulad, at hindi mo kinakailangang gumamit ng kahit na anong taktika sa paglalaro ng mga ito. Kaya kung gusto mo ng subukan ang dalawang laro at makatanggap ng mga bonuses, pindutin lamang ang button na ito:

Siguraduhin lamang na maging responsable sa paglalaro upang hindi malulong at magkaroon ng gambling addiction.

Scroll to Top