Michael Shackleford: Ang Wizard of Odds sa Sports Betting

October 14, 2023 by Macky Escasinas

OKBet Wizard of Odds Sports Betting

P

agdating sa mga suhestyon at analysis, namumukod-tangi ang Wizard of Odds sa sports betting review ng mga online sports betting provider. Pero ang katunangan na dapat sagutin: Pero sino ba ang nasa likod ng napakaganda at hitik sa impormasyon na platform na ito?

Sa katunayan, may reputasyon na pinangangalagaan ang Wizard of Odds. Sa ika-20th century, o eksaktong Hunyo 19, 1997 nabuo ang website. Ibig sabihin, 26 na taon na itong tagapaghatid ng maayos na pag-analisa sa mga nagsusulputang gaming provider sa buong mundo.

Kaya naman nararapat lamang bigyang-pugay ang mastermind sa website na ito—si Michael Shackleford.

Ang Wizard

Ang website kung saan nire-review ang mga provider na tumatanggap ng taya sa sports ay mula sa pagsusumikap ni Shackleford. Isa siyang dating actuary, o parang isang pinansyal na manghuhula.

Gaya ng tawag sa kanya na Wizard, gumagamit siya ng ‘mahika’ sa uri ng matematika at statistics upang suriin at i-analyze ang mga financial risks, partikular na sa mga laro na makikita sa mga casino.

Pero bago natin simulan kung paano niya narating ang longevity na ito, alamin muna natin ang pinagmulan ng mismong Wizard.

Si Shackleford ay ipinanganak sa Pasadena, California noong 1965. Lumipat sila ng Orange Country kung saan siya lumaki at nagka-muwang. Nag-arala siya ng computer science sa University of California sa Santa Barbara pero sa kalaunan ay nagpalit ng major.

Taong 1988, ito ang taon kung saan naging isa siyang Match/Economics graduate sa UC. Pagkatapos na pagkatapos niya at hindi pa nag-iinit sa kanyang mga kamay ang diploma, ay nagsimula na siyang mag-focus sa pagiging isang actuary, kung saan pinagdugtong-dugtong nito ang mga dahilan kung bakit siya kumuha ng computer science at lumipat sa pagiging isang Bachelor of Arts graduate.

Naging parte siya ng Social Securty Administration at lumipat sa Baltimore, taong 1992. Dahil sa pagiging isang Social Security actuary, natutunan niyang mag-estimate ng mga short-range na gastos at benepisyo na dulot ng mga pagbabago sa Social Security na batas.

Pagsisimula ng Wizards of Odds

1995 ang taon kung kailan siya nagsimulang magkaroon ng interes sa pag-analyze ng mga casino games. Ito rin ang taon kung saan nakaramdam siya ng kakaibang saya at binuo ang Wizards of Odds (dating Mike’s Gambling Page). Pero bago pa man niya simulan ang webpage, may malaking interes na siya pagdating sa pagsusugal. Madalas niyang nilalaro ang poker, acey-deucy, guts, at blackjack.

Nagsimula si Shackleford sa pag-analisa ng mga laro at inilagay niya ang kanyang mga natuklasan sa dati niyang home page. Bagama’t hindi niya ito ginamitan ng boosting o inanunsyo sa Internet, maraming tao ang nagkaroon ng interes sa kanyang mga reviews at nagmungkahing ipagpatuloy niya ito.

Taong 2000 naman ng magsimula siyang tumanggap ng advertisement, pero hindi ito tulad ng ibang website na puno ng spam ng iba’t-ibang online gaming platform. Bagkus, pinipili niyang mabuti ang mga nagnanais na gamitin ang kanyang website para mag-advertise.

Ngayon, isa na siyang pinagkakatiwalaang casino game actuary at reviewer. Mayroon na ring na-publish si Shackleford na mga aklat, tulad ng Gambling 102; naging editor din siya ng Casino Player magazine.

Kaya naman kung naghahanap ka ng mapagkakatiwalaang actuary at taga-review ng mga casino games na makikita sa mga online gaming platform gaya ng OKBet, puntahan na ang Wizard of Odds website at tignan ang sports betting at casino reviews ng tinaguriang Wizard!

Scroll to Top