Mga Kailangan Malaman sa Live Casino Gaming

September 2, 2023 by Macky Escasinas

Mga Kailangan Malaman sa Live Casino Gaming | OKBet

Ano ang Live Casino Gaming?

Ang live casino gaming ay ang makabagong henerasyon pagdating sa online gambling. Kung ating ikukumpara ito sa tradisyunal na pagsusugal at mobile gaming, ito ay nag-aalok ng isang makatotohanang casinio experience habang ang mga manlalaro ay nasa kani-kanilang mga pamamahay.

Pero bakit ba mabilis ang pag-angat nito? Ito ay sa kadahilanang may pinagsamang elemento ng tunay na casino at virtual gambling kaya naman mabilis sumikat ang mga live casino.

Malaki rin ang pinagkaiba nito sa mobile gambling dahil sa live casino, may mga totoong dealer na nag-ooperate ng laro. Maaari ring makipag-interact ang mga players sa kanila, pati na rin sa ibang manlalaro gamit ang live video stream at chat functions.

Alamin ang mga Teknolohiya na Nagpapatakbo sa Isang Live Casino

Ang mga operator ng isang live casino ay malaki ang ini-invest sa gamit upang makapag-stream sila ng de-kalidad na live dealer casino games. Layunin kasi nila na ihatid sa screen ng mga players ang makakatotohanang casino. Kaya kung pipiliin mo na maglaro rito, kapansin-pansin agad ang pagkakaparehas nito sa isang tradisyunal o land-based casino.

Narito ang mga kagamitan na ginagamit upang magpatakbo ng isang live casino:

Camera

Maraming hig-quality cameras ang ginagamit dito na siyang kumukha sa iba’t-ibang anggulo ng gaming table sa isang live casino. Ang mga camera na ito ay maayos na pinosisyon upang makapagbigay ng malinaw at dynamic na video feed sa mga manlalaro.

Game Tables

Ito ang mga pisikal na table gamit sa mga live casino games gaya ng blackjack, roulette, baccarat, at poker. Ang mga ito ay may tinatawag na RFID o Radio-Frequence Identification sensors para masundan ng real-time ang mga baraha, chips, at ang resulta ng laro.

Dealer Equipment

Pagdating naman sa kagamitan ng mga dealer. Ang kanilang card shoes, o kaya roulette wheels, o dice, ay may mga sensor na naghahatid ng signal at data patungo sa online gaming platform.

Video Control Room

Dito ang pinaka-kontrol ng mga camera na ginagamit sa livestream. May mga operator ito na nagmamasid sa kaganapan sa gaming table. Sila rin ang namamahala sa mga anggulo na makikita ng mga player sa kani-kanilang mga screen.

Lighting

Mahalagang may maayos na lighting ang mga gaming tables upang magkaroon ng malinaw na vieo feed. Ito ay napakahalaga upang mapanatiling patas ang bawat laro.

Audio Equipment

Ang isang tunay na casino ay maingay at puno ng sari-saring mga tunog. Ganoon din ang paglalaro sa isang live casino, lalo na at gumagamit ang mga ito ng high-quality na mga mikropono at sound system. Isa ito sa mga factor bakit nagiging immersive ang paglalaro rito.

Mga Laro sa Live Casino Games

Madalas na mga laro sa isang live casino ay ang mga pinakasikat na table games tulad ng blackjack, roulette, poker, craps, at baccarat.

Pero dahil ito ay pinaghalong tradisyunal at virtual na casino, nagbigay-daan ito upang makapaglaro ang mga player ng iba’t-ibang version.

FAQ

P’wede bang maglaro ng live casino sa cellphone?

Oo naman! Ang mga online gambling platform tulad ng OKBet ay may dedicated na app kung saan maaaring maglaro ng iba’t-ibang laro, kabilang na ang live casino.

Patas ba ang live casino?

Oo lalo na at gumagamit ng mga live dealers at kagamitan ang ganitong klaseng digital casino. Ito ang nakakasiguro na hindi kailanman mamanipulahin ang kalalabasan ng mga laro. Bukod dito, ang mga sikat na live casinos ay may lisensya para masiguro na patas ang bawat laro.

Ano ang mga betting option sa mga live casino?

Malawak ang pagpipilian pagdating sa paglalagay ng pusta sa live casino gaming. May mga laro na may iba’t-ibang betting limit, habang ang iba ay para sa mga casual na manlalaro, at yung iba naman ay para sa mga high rollers.

24/7 ba ang live casino?

Marmaing live casino ang 24/7 na bukas, pero ang availability ng ibang laro ay iba-iba, depende sa schedlue ng platform.

P’wede bang maglaro ng live casino ng libre?

Sa kasamaang palad, bihira lang ang mga platform na may available free play o demo version ng kanilang mga live games. Panghunahing dahilan kasi rito ay ang gastos sa pag-operate ng isang live casino.


Mag-register dito!

Scroll to Top