Mga Dapat Mong Malaman sa Sports Betting sa Pilipinas

September 10, 2023 by Macky Escasinas

P

atuloy ang pagsikat ng sports betting sa Pilipinas, lalo na at nagiging digital na ang mga Pilipino. Bagama’t hindi ipinagbabawal, may mga dapat pa ring malaman ang mga mananaya patungkol sa sports betting dito sa bansa.

Alam naman nating mahihilig ang mga Pinoy sa sports, lalo na kapag ginawa itong betting game. Sa mga maliliit na pustahan sa basketball, tungo sa mas malalaking venue gaya ng PBA o NBA betting, hindi talaga natin maaalis sa tao ang subukan ang swerte pagdating sa larangan ng sports.

Kaya naman marami ang nagtangkang maging isang sportsbook o bookmaker, lalo na’t likas na sports-lover ang mga Pilipino. Pero dahil isa itong uri ng sugal, may mga palatuntunan at batas na dapat malaman ang sinumang tataya sa industriyang ito.

Samahan niyo kami at aming ituturo sa inyo ang mga kailangan ninyong malaman kapag binanggit ang sports betting sa Pilipinas.

Ano ang Sports Betting?

Ang sports betting ay isang uri ng sugal kung saan ang mga manlalaro ay naglalagay ng pusta sa posibleng maging resulta ng iba’t-ibang uri ng sports. Sa Pilipinas, ang pinakatampok na sports na tinatayaan ay basketball, boxing, MMA, football, at horse racing.

Sa local gambling scene, ang karaniwang ginagamit na odds ay ang decimal. Ang odds ang nagdedetermina ng posibleng mapanalunan ng isang mananaya.

Pagsikat ng Online Sports Betting sa Pilipinas

Bago pa man ang pag-usbong ng teknolohiya at pagsulpot ng iba’t-ibang betting platform, may online sports betting na sa Pilipinas bandang 2000s. Lalo itong sumikat sa paglipas ng panahon at pinasok na rin ng mga sikat na casino gaya ng Solaire ang mundo ng sports betting.

Kaya naman ang ahensyang namamahala sa pagsusugal, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ay nagpanukala ng mga batas at lisensya upang ma-regulate ang nangangasiwa ng sports betting sites lalo na’t isa pa rin itong uri ng pagsusugal.

Ang PAGCOR ang nagpapatupad ng mga batas gaya ng Republic Act No. 9287 at Presidential Decree No. 1602, at nagbabantay sa mga galaw ng mga casino at online gambling platform sa bansa.

Samantala, dahil sa kasikatang dala ng smartphones, pinasok na rin ng mga gambling operators gaya ng OKBet ang mobile sports betting. Ito ang naging pangunahing dahilan sa pag-angat ng industriya ng naturang sugal sa bansa.

Pero hindi maiiwasan na magkaroon ng mga iligal na sports betting sites dito sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay nagpapanggap na lisensyado, kaya’t maging maingat sa pagpili ng paglalaruang platform.

3 Best Sports Betting Tips na Kailangan Mo

1. Matuto ng Value Betting

Ang value betting ay isang konsepto sa pagsusugal kung saan ang layunin ay hanapin ang mga bookmakers na may pinakamataas na odds.

Sa madaling salita, ito ay tungkol sa pagtukoy ng mga pusta na mayroong magandang halaga o “value” base sa inaalok na odds ng sportsbook. Kung ang tinatayang pagkakataon na manalo ay mas mataas kaysa sa inaalok na odds, ito ay sinasabing may value.

2. Mag-Line Shopping

Ang “line shopping” ay isang konsepto kung saan ang layunin ay hanapin ang pinakamagandang odds para sa isang partikular na laro sa pamamagitan ng pagkumpara ng mga inaalok na odds mula sa iba’t-ibang sportsbook.

Kapag ikaw ay isang bettor, may mga iba’t-ibang online bookmakers o kaya’y mga pisikal betting station kung saan maaari kang tumaya. Ang bawat sportsbook ay maaaring mag-alok ng iba’t-ibang odds para sa parehong laro. Ang pagkakaiba-iba sa mga odds na ito ang magbibigay-daan para sa tinatawag na “line shopping.”

Sa pamamagitan ng line shopping, ikaw ay nangangalap ng mga odds mula sa iba’t-ibang sources upang mahanap ang may pinakamagandang halaga para sa iyong taya. Ito ay nangangahulugang ikaw ay nagkukumpara ng mga inaalok na odds mula sa iba’t-ibang sportsbook at pipili ng pinakamataas o pinakamagandang odds para sa taya mo.

3. Magsaliksik

Mahalagang magsiliksik patungkol sa statistics, performance, at dynamics ng bawat koponan bago maglagay ng pusta. Sa pagsusugal, delikado ang padalos-dalos na pagtaya dahil ito ang magdudulot ng madalas na pagkatalo.

Ngayong umabot ka na sa dulo ng blog post na ito, isa lang ang ibig nitong sabihin: nalaman mo na ang mga importanteng kaalaman sa sports betting. Responsableng gamitin ang kaalaman na ito at ituring ang laro bilang isang uri ng entertainment. Enjoy!

Scroll to Top