Manalo Gamit ang Iba’t-ibang Blackjack Basic Strategy
Sa gitna ng kumplikadong mga istratehiya, ang isang manlalaro ay maaring magtamasa ng tagumpay sa blackjack gamit lang ang mga basic strategy. Hindi sa lahat ng oras ay ang mga masalimuot na teknik gaya ng Martingale, Fibonacci Sequence, o di kaya’y Paroli para lang manalo.
Minsan, hindi rin pangit na ang mga simpleng istratehiya ang gagamitin para maglaro ng blackjack online. Bukod pa dito, mahalagang matutunan at ma-master muna ang fundamentals ng laro bago lumipat sa mga kumplikadong teknik.
Kaya naman dito sa blog post na ito, aming ituturo ang basic strategy na karaniwang ginagamit sa mga online casino para maglaro ng blackjack dito sa Pilipinas.
Ano ang Blackjack?
Kilala rin bilang 21, ang Blackjack ay isang sikat na casino game kung saan ang layunin ng mananaya ay talunin ang kamay ng dealer. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng halaga ng kamay na malapit sa 21. Pero kapag sumobra sa nakatakdang numero, talo agad ang player o banker.
Mga Basic Blackjack Strategy
Kailan dapat mag-hit at mag-stand?
Palaging mag-hit kapag ang baraha mo ay nasa 11 o mas mababa pa.
Pero kung nasa 17 naman o higit pa ang iyong kamay, pinaka-magandang gawin ay ang mag-stand.
EXPN: Sa oras na ang hawak mong baraha ay may kabuuang total na 12 hanggang 16, ang iyong desisyon ay dedepende sa upcard ng dealer. Kapag 7 o mas mataas ito, mag-hit; kung mababa naman sa 7, mag-stand.
Ito ang tinatawag na hit-stand strategy kung saan pinapataas nito ang tyansa na manalo sa laro at iniiwasang magkaroon ng bust ang iyong kamay. Ang istratehiya rin na ito ay gumagana sa mga live blackjack games na makikita sa mga online casino gaya ng OKBet.
Double Down
- Mag-double down kapag ang hand value ay pumatak ng 11, at kapag walang Ace ang dealer.
- Kung ang dealer ay may 10 o Ace, huwag mag-double down kahit na ang hand value mo ay nasa 10.
- Sa oras na ang dealer ay may 3, 4, 5, o 6, mag-double down.
EXPN: Sa likod nito ay ang potensyal na magkaroon ng mas malaking lamang sa dealer lalo na kapag nagkaroon ng isa pang kard.
Splitting Pairs
- Palaging i-split ang Aces at 8s.
- Huwag paghiwalayin ang 5s at 10s.
- Para naman sa ibang pares, dedepende ang paghihiwalay mo ng mga pairs sa upcard ng dealer. Sa madaling salita, kapag mababa ang baraha ng dealer, i-split mo ang iyong baraha; huwag kapag mataas naman.
EXPN: Ang pag-split ng pairs ay istratehiya para magkaroon ng dalawang kamay, na parehong may magkaibang taya. Sa katunayan, madalas ginagamit ang pag-split ng mga baraha dahil mas mataas ang tyana nitong manalo.
Surrender
- Sa ibang laro gaya ng live blackjack sa isang online casino, p’wedeng mag-surrender. Pero hindi lahat ng platform ay pinapayagan ang pag-surrender.
- Kung sakaling p’wede ang surrender, gamitin ito kapag may weak hand habang ang dealer ay may malakas na kamay.
- May dalawang klase ng surrender: Early at Late. Sa Early, susuko na agad ang player bago pa man matignan ng dealer kung may blackjack. Samantala, ang Late ay nagaganap pagkatapos tignan ng dealer ang mga baraha.
EXPN: Ang pag-surrender ay magandang istratehiya upang pahabain ang bankroll ng isang player. Sa paggamit nito, makakaiwas sa potensyal na pagkatalo.
Insurance
- Ito ay isang side bet sa blackjack na available lang kapag ang upcard ng dealer ay Ace. ang insurance ay ang pagpusta kung ang dealer ba’y magkakaroon ng blackjack (two-card hand na may Ace at 10s).
EXPN: Magandang paraan ito upang maiwasan ang pagkaubos ng buong taya lalo na kapag ang dealer ay may blackjack. Sa oras na may blackjack ang dealer, talo man ang iyong kabuang pusta, naibalik naman ito sa iyo dahil ang ratio ng insurance ay 2:1.