Lehitimo ba ang Online Sabong Business?
December 30, 2023 by Macky Escasinas
Ang Pilipinas ay mayroong mahaba at passionate na kasaysayan pagdating sa sabong na ngayon ay nagkaroon na ng online sabong business. Sa mga nakalipas na taon, ilang kontrobersiya na ang kinasangkutan nito, at marami na ang nagtatanong: lehitimo pa rin ba ang e-sabong kung tawagin sa Pilipinas? Ang sagot ay parang katulad ng mga tandang, kung saan isang malaking kaguluhan na walang kasiguraduhan.
Diskusyon sa Legitimacy ng Online Sabong Business
- Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
- Ang ahensya ng gobyerno na responsable sa pag-regulate ng pagsusugal. Ito rin ang namamahala sa provisional license sa mga operators ng online sabong. Ang lisensya ang nagpapahintulot sa kanila na mag-operate ng mga e-sabong platforms basta’t nasa ilalim ng supervision ng ahensya. Subalit, marami ang hindi sang-ayon dito dahil na rin sa nature ng legalidad ng sugal.
- Economic Benefits
- Ang proponents ng online sabong ay tinuturo ang potensyal nitong makapagdala ng revenue at makalikha ng mga trabaho. Kanilang sinasabi na isa itong magandang adisyon para sa ekonomiya ng Pilipinas, lalo na sa mga malalayong lugar kung saan limitado lang ang mga trabaho.
- Cultural Significance
- Matagal at malalim nang nakaukit sa mga Pilipino ang sabong, lalo na at malaking parte ito ng kasaysayan at kultura sa bansa. Ayon sa mga tagasuporta ng online sabong, ang simple at modernong extension ng tradisyon na ito ang siyang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na sumali saanman basta’t mayroon silang maayos na internet connection.
Diskusyon Kontra sa Legitimacy
- Moral Concerns
- Ang mga sumasalungat naman sa online sabong ay inilapit ang mga ethical concerns tungkol sa animal abuse at adiksyon sa pagsusugal. Kanilang sinasabi na dahil madali na itong ma-access sa mga online platforms tulad ng OKBet, lalo lang nitong palalalain ang mga isyu, partikular na ang mga nasa laylayan.
- Legality na mga Katanungan
- Kahit na mayroong lisensya mula sa PAGCOR, ang legal status ng online sabong ay nananatiling magulo. Ilang eksperto sa batas ay sinasabi na ang pagkakaroon nito ay isang paglabag sa mga gambling laws ng bansa. Samantala, ang iba naman ay naniniwala na nasa gray area pa ang sugal na ito. Ang kawalan ng malinaw na framework ang siyang dahilan kung bakit walang kasiguraduhan ang industriya at may potensyal para maabuso.
- Social Impact
- Nangangamba din ang mga critics patungkol sa mga negatibong epekto ng online sabong sa lipunan. Sinasabi nila na maari itong maging sanhi ng pinansyal na problema, away sa pamilya, at pagtaas ng krimen.
Kasalukuyang Landscape
Ang diskusyon sa legitimacy ng online sabong na business ay magpasa-hanggang ngayon, nagpapatuloy. Pareho na may mga punto ang dalawang panig. Subalit, dahil sa pagkawala ng ilang mga sabungero at pagkakasangkot ng negosyanteng si Atong Ang, pinahinto ang operasyon ng mga e-sabong, at na-ideklara itong iligal.
Ang Tatahaking Daan
Bagama’t suspendido ang operasyon, nananatili pa ring walang kasiguraduhan kung ito ay mananatiling iligal. Malaki ang maitutulong ng online sabong sa ekonomiya ng bansa, kaya naman ang gobyerno ay kailangang magkaroon ng malinaw na palatuntunan at batas upang masiguro na mayroong tama at sapat na regulasyon ang larong ito. Kinakailangan nilang ma-address ang mga concern patungkol sa animal welfare, gambling addiction, at potensyal na pahamak sa lipunan. Sa oras na magkaroon ng maayos at masusing regulasyon at bukas na pag0uusap patungkol dito, tsaka lang tuluyang magiging lehitimo ang online sabonbg business.
Pero habang ito ay kasalukuyang suspendido, oras naman para sa mga manlalaro na pansamantalang maghanap ng ibang paglilibangan, na makikita nila kapag nag-register sila sa ibaba.