Legal Gambling Lord: Atong Ang at Online Sabong

November 30, 2023 by Macky Escasinas

OKBet Atong Ang Online Sabong

I

sang kontrobersyal na pigura sa Pilipinas si Atong Ang; online sabong ang kanyang naging puhunan upang palakihin ang kanyang kayamanan. Marami siyang mga negosyo, at ilan dito ay hinihinalang iligal. Subalit, kanyang ginigiit na isa siyang lisensyasong gambling lord sa bansa.

Pero paano ba lumaganap ang online sabong sa pamamahala ni Atong Ang? Pag-usapan natin kung paano dito sa artikulo na ito.

Atong Ang at Online Sabong

Sa Pilipinas, legal naman talaga ng pagtaya sa sabong. Subalit nang pumutok ang Covid-19 pandemic sa buong mundo, ang sport na ito ay naging e-sabong o online sabong upang makapaghatid ng pang-aliw sa mga Pilipino habang lockdown.

Sa katunayan, dati ay pinayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagkakaroon ng mga online sabong site sa bansa. Sa pamumuno ng dating PAGCOR chair na si Andrea Domingo, kanyang binigyang lisensya ang dalawang platform: ang Lucky 8 Starquest na pagmamay-ari ni Atong Ang, at ang Belvedere Corp. naman ni Bong Pineda.

Si Ang ay isang sikat na legal gambling lord sa Pilipinas dahil sa kanyang online sabong operations. Pero paano ba siya naging sikat at nasangkot sa illegal sabong?

Ang tunay niyang pangalan ay Charlie Tiu Hay Sy Ang, at dati pa siyang nasangkot sa kontrobersiya sa Pilipinas. Naging sikat siya taong 2001 matapos na akusahan siya kasama ni dating Pangulo Joseph Estrada sa pagiging mga protektor ng jueteng.

Tumakbo siya papuntang Estados Unidos nang mapatalsik si Estrada noong 2001, at siya ay nahuling nagsusugal sa isang casino sa Las Vegas. Na-extradite sya pabalik ng bansa noong 2006.

Humingi naman siya ng plea bargain sa gobyerno at nangakong ibabalik niyia ang P25 milyon na komisyon na nakuha niya sa tobacco excise tax. Na-abswelto siya sa lahat ng kaso at ngayon ay isa ng e-sabong operator.

Ngunit hindi naman doon nagtatapos ang mga kaguluhan na kinabibilangan niya dahil noong 2010, pinatawag siya sa Senado upang sagutin ang kanyang involvement sa mga illegal numbers game, at jueteng.

Panibagong Kontrobersiya

Makalipas ang ilang taon, sangkot na naman si ang sa hinihinalang iligal na sugal: illegal online sabong.

Mayroong nawalang sabungero taong 2021, at ito ang nagtulak upang suspendihin ang online sabong operations, utos ni dating Pangulong Rodridgo Duterte. Muling nagbalik sa Senado si Ang upang harapin ang alegasyon sa kanya na may kinalaman siya sa mga nawawalang sabungero.

Ayon sa balita, ilan sa mga sabungero na nawawala ay huling nakita na naglalaro sa tatlong arena nag Lucky 8 Star Quest. Bukod dito, may inilabas din ang isa sa mga kapatid ng biktima na bidyo kung saan ang negosyante ay binabalaan ang mga nagnanakaw ng mga bidyo na mula sa kanyang e-sabong firm.

Ang online sabong firm ni Atong Ang ang huling lugar kung saan huling nakitang buhay ang mga nawalalang biktima. Hanggang ngayon, wala pa ring balita sa kalagayan ng mga ito.

At dahil sa kontrobersiya, suspendido ang mga online sabong operations ni Ang, at nawala ang esensya ng pagiging isang ‘legal’ na gambling lord niya.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang pagkakaroon ng lisensya upang magsagawa ng gambling operations sa bansa ay hindi isang karapatan; isa itong pribilehiya, kung saan ang mga operators ay dapat sumunod sa mga panukala at batas. Maaring bawiin ng PAGCOR ang kanilang lisensya, at ganoon na nga ang nangyari kay Ang.

Pero bakit kailangang maglaro sa mga iligal at suspendidong online sabong sites, kung mayroong namang OKBet kung saan hindi lang ito online casino, isa pang sportsbook. Kaya kung wala kang accoutn sa platform na ito, mag-register na sa ibaba!

Scroll to Top