Konami Slots Online: Ano ito?

September 15, 2023 by Eric

Ang Konami ay kilala bilang ika-apat na malaking video-game manufacturer sa Japan. Dahil sa hindi magandang lagay ng arcade sector, Napilitan ang Konami na magkaroon ng malawak na asset kaya naman sila ay pumasok sa paggawa ng mga slot machines. Kaya naman ngayon isa na ang Konami Slots Online sa mga mapagkakatiwalaang slot online provider sa buong mundo kabilang ng OKBet, 1xBet, 12Bet at iba pang online casino providers na nagbibigay online slot games sa kanilang website.

Paano nagsimula ang Konami?

Ang nagsimula ng kompanya na Konami ay si Kagamasa Kouzuki noong 1969. Nagsimula sila bilang taga-ayos ng mga gamit at tagapag-pahiram ng mga jukebox sa Osaka, Japan. Ang pangalan na Konami ay kinuha sa mga pangalan ng may ari nito na sina Kagamasa Kouzuki (CEO at Chairman), Yoshinobu Nakama (partner), at Tatuso Miyasako (partner). Ang ibig sabihin naman ng Konami ay maliliit na alon. Nagsimula ang kumpanya na gumawa ng mga arcade games noong 1973. Sila ang gumawa sa sikat na laro na Super Cobra at Scramble na lumabas noong taong 1981. Sa taong 1982, nagsimula na din ang Konami na gumawa ng computer softwares bago sila nagdesisyon na pasukin din ang home game console sector.

Sa paglipas ng panahon ang Konami ay nakapag-design na ng maraming magagandang online slot games. Dahil dito, nagdesisyon sila na lumipat sa Las Vegas noong 2005 kung saan may malaking bilang ng mga manlalaro sa slot machines. Pero bago pa man sila lumipat sa Las Vegas, nakapagtayo na sila ng headquarters sa Nevada at California para mas maintindihan ang mga pangangailangan ng mga player ng Amerika. Mayroon din silang headquarters sa Sydney, Australia, dahil sa malaking interes sa laro at real money online slots sa bansa.

Ano ang Kaibahan ng mga laro ng Konami?

Ang Konami Code ay isa sa mga kawili-wiling bagay sa mga laro na nilabas ng kumpanya. Karamihan sa mga laro na ito ay may Konami Codes o cheat codes. Gradius ay isa sa mga laro na unang ginamitan ng Konami Codes, noong ang Nintendo ay gumagawa ng ingay sa industriya. Ang classic na laro din na Contra ay mayroong cheat code na sinadya ng kumpanya. Ang mga cheat code na ito ay magagamit sa pamamagitan ng pag-pindot sa specific combination matapos na i-pause ang laro. Kaya ginawa ang cheat code ay para magbigay tulong sa mga manlalaro na nahihirapan tapusin ang mga objectives na kailangan gawin.

Dahil sa kanilang success sa larangan na ito, ang ilan sa kanilang mga laro ay nagkaroon na ng Hollywood movie. Ang unang Konami na laro na ipinalabas sa big screen ay ang Silent Hill.

Mga popular na slot machine na ginawa ng Konami

Ang unang slot online na nilabas ng Konami ay ang Rocky Slots. Ang slot machine na ito ay hango sa pelikula na Rocky na ginampanan ni Sylvester Stallone. Ang ilan pang online slot games na ginawa ng Konami ay ang Money in the Bank, Ioha Gold, Dance Dance Revolution, Atlantic Treasure, African Treasure, Billionaires, Cash Inferno, Lucky Dice, Pro Evolution Soccer, Coinopolis, A Big Payoff, Karaoke Revolution at China Mystery. Ang bawat laro ay may kanya-kanyang magandang katangian na nagbibigay ng saya sa mga manlalaro.

Konklusyon

Ang Konami Slots Online ay mapagkakatiwalaan sa larangan ng online slot games. Masisigurado na ang mga laro nila ay kalidad dahil na din sa taon na ginugol nila sa industriya ng slot machine.

Subukan ang iba pang mapagkakatiwalaang real money slot machines sa ibaba. I-click lamang ang real money slots at simulan na ang saya.


play real money slots

Read More: Konami Slots Online: Ano ito?

Scroll to Top