Iba’t-Ibang Online Bingo Games na Kailangan Mong Laruin

September 12, 2023 by TJ Gacura

May Iba’t-Ibang Online Bingo Games ba?

Sa katunayan, mayroon lamang apat na online bingo games dati. Pero dahil sa paglago ng teknolohiya, sabayan pa ng pagsikat ng laro, nagkaroon na rin ito ng iba’t-ibang version.

Ang pag-develop ng sari-saring formats ay upang matugunan ang mga pangangailangan at interese ng bawat manlalaro. Kaya naman ating tuklasin ang iba pang uri ng larong online bingo.

Tradisyunal Noon, Digital na Ngayon na Bingo Games

Bago pa sumikat ang mga virtual bingo rooms, ang laro ay ginagawa sa isang pisikal na bingo hall. Ang layunin ng mga manlalaro ay makumpleto ang isang itinakdang pattern gamit ang kanilang mga bingo cards. Madalas na mga pattern ay single line, two lines, o full house.

Noon, sikat na sikat ang 75-Ball, 90-Ball, at 80-ball. Pero kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay kasabay din nito ang pagsulpot ng iba pang klase ng bingo.

Ngayon, dahil nasa digital era na tayo, nagkaroon na rin ng 30-Ball, Pattern, Team, at Jackpot na mga bingo. Para naman sa mga mobile gamers, nadevelop na rin ang mobile bingo para sa mas madaling pag-access ng laro.

Para sa digital na panahon, ito ang mga bingo games na dapat mong laruin:

30-Ball

Ito ay kilala rin bilang “speed bingo” o “instant bingo” dahil sa mabilis nitong pace. Ito ay nilalaro sa isang 3×3 na card at mayroon lamang na 30 numero ang bubunutin.

Pattern Bingo

Isa itong nakakaaliw na bersyon ng bingo dahil dito, isang specific na pattern ang dapat mabuo ng mga manlalaro para manalo. May mga pagkakataon na ang mga virtual announcers ay manghihingi ng mga pattern tulad ng letra, shaps, o di kaya’y mga numero.

Team Bingo

Kakaiba itong uri ng bingo na makikita lang sa ilang online casino. Ang layunin dito ng mga manlalaro ay magkakaroon ng sari-sariling teams para makabuo ng itinakdang objective o pattern.

Jackpot Bingo

Ang mga makabagong bingo ngayon ay nagbibigay na rin ng progressive jackpots na madalas lang nakikita sa mga online slots. Dito, palaki nang palaki ang jackpot hangga’t walang nakakabuo ng itinakdang pattern sa loob o maka-full house sa loob ng isang partikular na bilang ng bola na nabunot.

Mobile Bingo

Marami ng bingo games ngayon ang malalaro gamit lamang ang mga mobile devices. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng mobile-optimized na website, o di kaya’y dedicated na app.

Pero mahalagang paalala: Siguraduhin na ang pinaglalaruan na platform ay may lisensya at legit. Kung ikaw ay nasa Pilpinas, mabuting alamin kung parte ba ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang online bingo website na iyong tinatangkilik.

FAQ

May free bingo games ba online?

Maaring maglaro ng mga free bingo games online. Ito ay ang mga free o demo version ng website. Maganda itong pang-akit sa mga potensyal na manlalaro dahil p’wede nilang ma-access ang laro ng walang nilalabas na pera.

May free online bingo ba kung saan p’wede ka manalo ng totoong pera kahit walang deposit?

Sa katunayan, may mga bingo sites tulad ng OKBet na namimigay ng free online bingo cards at manalo ng totoong pera kahit na wala pa silang kahit na anong deposit. Ito ay isang promosyon na handog ng isang platform para sa mga bagong register na manlalaro.

Minsan naman, kahit ang mga matagal ng naglalaro sa platform ay makakatanggap ng mga libreng bingo tickets o cards. Ito ay kapag naabot nila ang wagering requirement ng online casino.

Ano ang pinagkaiba ng 75-ball, 80 ball, at 90-ball?

Bukod sa mga bola, ang mga variation na ito ng bingo ay nagkakaiba pagdating sa mga bansa kung saan sila pinakasikat. Ang 75-ball ay tanyag sa Estados Unidos, habang ang 90-ball naman ay sa United Kingdom. Samantala, ang 80-ball ay may natatanging features na wala sa naunang dalawang klase ng bingo.

P’wede ba ang pre-purchase sa online bingo?

May ilang online bingo sites ang nagbibigay ng opsyon sa mga manlalaro na mag-pre-purchase ng mga bingo tickets.

May limit ba sa kung gaano karaming bingo cards ang p’wedeng malaro sa isang bingo game?

Ang limitasyon sa bilang ng mga bingo cards ay depende sa bingo room at site. May iba na may limit sa bilang ng cards sa isang player, habang mayroon din naman na pinapayagang bumili ng card sa abot ng kanilang makakaya.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top