How to Play Electronic Bingo sa Pilipinas
September 23, 2023 by Macky Escasinas
S
a vibrant landscape ng gaming at entertainment, umusbong ang electronic bingo bilang isang sikat na pampalipas-oras sa Pilipinas. Hatid nito ang isang kakaiba at exciting na bersyon ng tradisyunal na laro na minamahal ng marmai. At dahil patuloy ang pagsikat nito, marami ang nagkaroon ng pagnanais na matutunan kung paano ito laruin
Maraming ang gustong matutunan kung paano laruin ang electronic bingo dito sa Pilipinas. Marahil ay dahil sa vibrant landscape ng gaming at entertainment; maari ring dahil isa itong sikat na pampalipas-oras sa bansa: o di kaya’y dahil sa kakaibang excitement na hatid nito kumpara sa tradisyunal na bingo.
Dahil marami ang nagnanais na makapaglaro nito, aming ginawa ang guide na ito upang turuan kayo paano maglaro ng electronic bingo dito sa Pilipinas. Kaya basahin, subaybayan, at unawain ang article na ito sapagkat pagkatapos ay siguradong magiging handa ka ng sumabak sa mundo ng e-bingo.
Pag-unawa sa Electronic Bingo
Ang electronic bingo, o kilala rin bilang e-bingo ay hango sa klasikong laro na dinagdagan lamang ng teknolohiya. Hindi katulad sa tradisyunal na bingo kung saan kinakailangan ng pisikal na bingo cards at mga bola, ang e-bingo ay dinadala ang mga manlalaro sa isang digital realm. Ang experience ng bawat isa ay magmumula sa mga electronic bingo machines na mayroong screens at keypads.
Ito rin ay iba sa online bingo na hatid ng mga platforms gaya ng OKBet sapagkat sa mga online casinos, ang virtual bingo ay ginagamitan ng internet at virtual na bingo cards.
Pagsisimula sa Basics ng Electronic Bingo sa Pilipinas
Pumili ng Venue
Para dalhin ang sarili sa kakaibang mundo ng e-bingo, magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng mga lisensyadong electronic bingo halls sa Pilipinas.
Bumili ng Credits
Magsisimula ang iyong e-bingo journey kapag bumili ka ng credits sa mga designated kiosk. Ito ang magsisilbing “pera” mo sa paglalaro ng electronic bingo, at gagamiting pamusta.
Pumili ng Machine
Pumili sa mga available na electronic bingo machine at umupo. Ang bawat machine ay mayroong screen at keypad, ang iyong kagamitan sa magiging “labanan.”
Kumuha ng Bingo Cards
Gamitin ang credits na binili at bumili ng electronic bingo cards na naka-display sa screen ng iyong napiling machine. Maari kang bumili ng iba’t-ibang cards sa isang laro.
Electronic Bingo sa Pilipinas: Gameplay
Magsisimula ang laro kapag ready ka na. Ito ang mga sinusunod na ritmo ng electronic bingo:
Markahan ang mga Numero
Habang nagaganap ang laro, at sa oras na lumabas sa screen ang isa sa iyong mga numero sa bingo card, pindutin lamang ang isang button na corresponding sa numero na nabanggit para mamarkahan ito. Ang iyong machine ang siyang magmamasid sa iyong progress.
Kumuha ng Winning Pattern
Pinakalayunin ng isang manlalaro ay makabuo ng isang winning pattern. Ang mga madalas na pattern ay straight lines, diagonals, o blackout, kung saan ang buong card ay namarkahan. Tignan maigi ang mga pattern habang nangyayari ang laro at siguraduhing mamamarkahan ang mga kinakailangang numero.
Pagkuha ng Napanalunan
Kapag naunang makabuo ng isang winning pattern, oras na upang isigaw ang katagang, “Bingo!” o kaya ay sundin ang isang specific na instruction ng venue. Ito ang paraan paano tamaan ang jackpot sa electronic bingo, ang unahan ang ibang manlalaro na makabuo ng pattern.
Isang bingo hall staff ang lalapit sa iyo upang suriin kung totoo nga na tumama ka bago ibigay sa iyo ang kaakibat na prize.
FAQ
Magkaiba ba ang electronic bingo sa online bingo?
Oo. ang electronic bingo sa Pilipinas ay iba sa online bingo. Ang una ay makikita sa mga bingo hall samantalang ang online bingo ay sa mga online platforms. Bagama’t magkaiba, parehong legit ang e-bingo at online bingo na nagbibigay ng pera.
Sa pagkakaiba naman, ang online bingo ay may free bonus, habang wala namang ganitong promosyon ang e-bingo. Sa online bingo, may free bonus na walang deposit.
Nakakalulong ba ang e-bingo?
Kung walang disiplina, oo. Ang electronic bingo sa Pilipinas ay isang uri ng sugal. Sa pagsusugal, hindi maiiwasang magkaroon ng adiksyon. Kaya maging responsable sa paglalaro.