Horse Racing Betting: Mga Uri na Dapat Mong Tayaan!

September 6, 2023 by Macky Escasinas

Horse Racing Betting Mga Uri na Dapat Mong Tayaan!

Maraming uri ng horse racing betting sa mga bookmakers gaya ng OKBet. Pero dahil isa itong pinakaminamahal na pampalipas-oras, lalo na ng mga Pilipino, hindi maiiwasang magkaroon ng mga sikat na uri ng taya. Iyon ang ating pag-uusapan sa blog na ito.

Samahan niyo kaming pag-usapan ang mga sikat na uri ng taya sa horse racing.

Win Bets

Ating simulan sa pina-simple at pinaka-common, maging sa mga exotic bets sa horse racing – ang “Win” bet. Dito, ang layunin mo bilang mananaya ay pumili ng kabayo na sa tingin mo ay mauunang tumapak sa finish line. Diretsa ang klase ng taya na ito kung saan ang tagumpay ay base sa napili mong kabayo. Kapag ito ang nauna sa dulo ng karera, panalo ang iyong pusta. Kaya naman ito ang pinakamagandang tayaan lalo na kung baguhan ka pa lamang sa horse racing.

Place Bets

Matapos ang pinakasimpleng uri ng taya, pupunta naman tayo sa medyo kumplikadong klase, ang “Place” bet. Ang klase ng pusta na ito ay ang panghuhula kung first o second ang kabayo na napili mo. Maganda itong tayaan lalo na sa mga horse racing betting games sa mga online platforms dahil mataas ang tyansa na manalo.

Subalit, mas mababa ang payout sa Place Bets kumpara sa ibang klase ng taya sa horse racing. Pero kung ating titignan, mas appealing na opsyon ito para sa mga manunugal na nais maging konserbatibo at maingat sa paglalagay ng pusta.

Show Bets

Pero dahil napag-usapan na natin ang mga konserbatibong klase ng taya sa larong ito, mayroon pang isa na mas konserbatibo – ang “Show” bets. Dito, ang iyong pusta ay para sa tatlong posibleng maging rank ng kabayo – first, second, o third. Ang downside lang nito ay mas mababa ang payout kumpara sa Place Bets, pero mas mataas naman ang tyansa na manalo. Bukod dito, ideal n opsyon ito para sa mga nais subukan ang horse racing betting na laro dahil mas mababa ang risk na matalo sa Show Bet.

Exacta Bets

Para naman sa mga beterano na sa horse racing at sa mga sports betting, ang “Exacta” ang isang opsyon na magandang tayaan.

Sa Exacta, kailangang mahulaan ng player kung sinong dalawang kabayo ang susungkit ng first at second na place. Dapat din na tama ang pagkasunud-sunod. Kaya naman ang bet option na ito ay kinakailangan ng mataas na presisyon. Pero kung tumama ka sa iyong hula, siguradong makakatanggap ka ng malaking payout.

Itong klase ng taya na ito ay para sa mga mananaya na magaling sumipat ng mga kabayo, may malalim na pang-unawa sa horse racing, at handang mag-risk.

Trifecta Bets

Para sa mas complex na taya, mayroong tinatawag na “Trifecta” bet. Ito ay isang klase ng pusta kung saan kailangang mahulaan mo ang mga kabayo na makakakuha ng first, second, at third na posisyon. Dapat din na sa tamang order ito.

Itong klase ng horse racing betting ay kinakailangang may malalim na pang-unawa ng naturang sport. Pero ang kagandahan dito ay napakalaki ng maari mong mapanalunan.

Superfecta Bets

Sa rurok ng pagiging complex, nasa itaas na ang “Superfecta” bets. Ito ay challenging na klase ng pusta kung saan kailangang mahulaan ang mga kabayo na magtatapos sa first, second, third, at fourth sa tamang pagkakasunud-sunod.

Aming pinapaalalahanan na ito ay hindi para sa mga baguhan. Kailangang may experience ka na sa horse racing at nakapagsagawa ng malalim na analyzation ng bawat kakayahan ng mga kalahok na kabayo. Pero sa oras na natumbok mo ito, siguradong uuwi ka ng masaya.

Konklusyon

Itong mga sikat na horse racing betting types na ito ay nagbibigay ng maraming excitement at oportunidad para manalo. Pero dapat pa ring isaalang-alang na ang pagpusta rito ay kinakailangan ng skill, istratehiya, at swerte. Kaya bago ka magsimulang pumusta sa mga kabayo, siguraduhing alam mo ang kanilang mga form, nasuring mabuti ang mga odds, at nauunawaan na ito ay isang uri ng entertainment.


Ano pang hinihintay mo? Tumaya na!

Scroll to Top