Gaano Kadalas Magkaroon ng Online Slot Wins?

September 16, 2023 by TJ Gacura

N

aitanong mo na ba sa iyong sarili kung gaano katagal ka dapat maglaro ng online slots para manalo? Alam naman natin na ang paglalaro nito ay base lamang sa swerte (at sa RNG), pero maganda ring maunawaan paano “namimili” ang laro ng maswerteng mag-uuwi ng mga papremyo.

Kaya’t kung wala ka pang ideya, ito na ang iyong pagkakataon para magkaroon ng kaalaman kung paano nanalo ang mga players sa online casino game na ito.

Mga Bagay na Nakakaapekto sa Online Slot Wins

Sa katunayan, may mga ilang bagay na nakakaapekto sa dalas ng pagbibigay ng panalo ng isang online slot. Masasabi nating ito ang “siyensa” para manalo sa laro.

1. Random Number Generators (RNGs)

Sa online slots na handog ng mga online casinos tulad ng OKBet, ay gumagamit ng random number generators o RNGs. Ito ay isang software na mayroong mga kumplikadong algorithms. Ang layunin nito ay makapag-generate ng iba’t-ibang sequence ng mga numero. Itong mga numero naman na ito ang magdidirekta ng mga simbolo na siyang lalabas sa reels ng slots.

Bukod dito, sinisiguro rin ng RNG na ang laro ay walang halong pangmamanipula. Ito ay dahil hindi nito uulitin ang sequence ng mga numero, at palaging magiging random ang mga resulta.

2. Return-to-Player (RTP)

Ang return-to-player (RTP) o “hit frequency” ay kung gaano kadalas magbigay ang isang online slot ng panalo. Bawat klase ng virtual slot machine ay may kanya-kanyang RTP.

Para sa mga lisensyadong platforms, may sinusunod sila na minimum RTP percentage. Ito ay ang average na pera na maaring mapanalunan ng isang manlalaro. Naglalaro madalas ang percentage na ito sa pagitan ng 85% at 98%.

Sa madaling salita, kapag ang payout ay nasa 85%, nangangahulugan ito na ang laro ay nagbibigay ng 85% ng pera na kinikita nito.

Kapag mataas ang RTP, ibig sabihin ay madalas din itong magbibigay ng panalo. Kaya kung naghahanap ka kung mayroon bang trick para manalo sa online slots, ito ay ang pagpili ng slot machine na may mataas na RTP.

3. Disenyo ng Laro

Isa ring bagay na nakakaapekto sa tyansa na magbigay ang isang online slot ay magpanalo ay ang disensyo ng laro. Kapag madaming paylines, maraming kombinasyon ng mga simbolo ang maaring mabuo. Ito rin ang magdidikta kung gaano kalaki o kaliit ang iyong mapapanalunan.

Bilang karagdagan, ang pagkakaroon ng maraming paylines ay naapektuhan din ang volatility ng laro. Kapag mababa ang volatility, mas madalas ang pagbibigay ng panalo pero mababa lamang. Sa kabilang banda, kapag mataas ang volatility, kaunti lang ang paylines. Bihira lang din itong magbigay ng panalo. Pero, sa kabilang banda, oras na tumama, malaki ang panalong ibibigay.

5 Slot Machine Strategy para Manalo

Upang tumaas ang tyansa mo na manalo at hindi palaging umasa sa swerte sa tuwing maglalaro ng online slots, narito ang limang (5) slot machine strategy na makakatulong sa iyo:

1. Ikumpara ang Payout Percentages ng Iba’t-Ibang Slot Machines

Iilan lamang na online casino platform ang ibinabahagi ang RTP ng kanilang mga slot machines. Pero may mga insider na naglalabas ng mga payout percentages ng iba’t-ibang laro galing sa mga online casino at pino-post sa Internet. Hanapin ang mga ito at pagkumparahin.

2. Pumili ng laro na may mataas na payout percentage

Ito ang mahalagang tignan sa online slot dahil kapag mataas ang payout percentage ng laro, may malaki kang tyansa na manalo. Tandaan laman na ang data na ito ay galing sa milyun-milyong spins, kaya hindi pa rin makakasiguro na agad-agad kang mananalo kahit na mataas ang payout percentage.

3. Piliin ang mga laro na may pinakamaliit na jackpot

Kapag maliit ang jackpot, nangangahulugan ito na mababa ang volatility ng laro. Dahil mababa ang volatility o variance, madalas itong mabigay ng panalo. Sa katagalan, mas malaki ang iyong maaring mapanalunan sa ganitong pamamaraan.

4. Itodo ang taya para sa mas mataas na jackpot chance

Madalas sa mga online slots ay nagbibigay lamang ng bonus at progressive jackpots kapag todo ang tinaya ng isang player. Kaya bigyan ng konsiderasyon na itodo ang iyong taya. Tandaan lamang na maging wais at responsable kapag ginawa ito.

6. Magtakda ng budget

Ito ang pinaka-epektibong strategy dahil maiiwasan mong gasutsin ang pera na nakalaan sa mas importanteng bagay. Tandaan na ang paglalaro ng online slots ay bilang libangan lamang. Kaya’t tratuhin ito bilang isang uri ng entertainment at wala ng iba.

At ngayong alam mo na kung ano ang mga bagay na nakakaapekto sa mga online slots upang magbigay ng panalo, subukan mo ng…

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top