Estado ng Online Sabong sa Pilipinas

September 11, 2023 by TJ Gacura

A

ng Pilipinas ang isa sa mga bansa na tinatangkilik ang online sabong. Pero sa nakalipas na mga taon, sunud-sunod ang kontrobersiya na kinasasangkutan nito, dahilan upang ipagbawal ito magpasanghanggang-ngayon.

Ating balikan ang mga dahilan bakit ginawang iligal ang esabong.

Ano ang Online Sabong?

Bago natin pag-usapan ang mga dahilan bakit ipinagbawal ang online sabong sa Pilipinas, atin munang alamin ano ito.

Ang online sabong o virtual cockfighting ay ang paglalaban ng mga tandang sa mga cockpit arena. Pinapakita ang laban sa pagitan ng dalawang manok gamit ang live stream.

Dito, ang mga mananaya ay maaring pumusta makita ang mga laban, at makipag-usap sa ibang nanunood ng laban.

Ayon naman sa Philippine Amusement Gaming and Gaming Corporation (PAGCOR), ang esabong ay isang online o off-site na pagpusta sa mga laban ng mga panabong, o di kaya’y mga event o aktibidad na kinunan ng live sa mga cockpit arena na may lisensya o awtorisado ng lokal na pamahalaan.

Estado ng E-Sabong sa Bansa

Sa kasalukuyan, ang virtual cockfighting ay ipinagbabawal sa Pilipinas. Ang online sabong ay tinuturing din sa international scene bilang isang iligal na sugal.

Kahit ang Philippine National Police (PNP) ay nais na gawing iligal ang e-sabong. Base sa pinaka-latest na e sabong news, umabot na sa 1,245 katao ang naaresto dahil nagsasagawa sila ng iligal na virtual sabong operations.

Simula ng Pagbabawal ng Virtual Sabong

Nagsimula ang pagbabawal ng e-sabong bago matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan naglabas siya ng panukala na nagbabawal sa online sabong o kahit sa virtual betting sa mga laban. Pero sa kabila nito, nanatili pa ring legal ang tradisyunal na sabong sa bansa.

Subalit dahil nagkaroon ng ban, prominenteng gaming consultant na si Atong Ang, at may-ari ng online sabong platform na Lucky 8 ay lubos na naapektuhan. Sa kasalukuyan, tila pinahintulutan na muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-operate ng legal na e-sabong platform na ito..

Mga Dahilan Bakit Ipinagbawal ang Online Sabong

Maraming dahilan bakit ipinagbawal ang online sabong dito sa bansa, maging sa ibang panig ng mundo. Ilang sa mga rason ay ang mga sumusunod:

Animal Welfare Concern

Dahil dalawang tandang ang naglalaban sa online sabong, na madalas ay nagreresulta ng pagkamatay ng isa, ang isa sa mga naging dahilan bakit maraming animal rights advocate na masyadong brutal ang larong ito.

Illegal Gambling

Madalas na sangkot ang esabong sa mga iligal na gambling operator sa bansa. Bukod dito, karamihan sa mga nagpapatakbo ng online sabong ay hindi regulated ng gobyerno.

Revenue Loss

Kung ating babalikan ang hearing ni Atong Ang, ang kinikita ng kanyang gambling platform ay nasa P3 million buwan-buwan. Samantala, ang PAGCOR ay P640 million lamang. Ibig sabihin nito, bilyun-bilyon ang nawawala sa gobyerno na kita, at hindi pa kasama rito ang iligal na online sabong operations.

Mga Kriminal na Aktibidad

Isang pagkakataon kung saan sangkot ang online sabong sa mga kriminal na aktibidad ay noong inakusahan si Ang na nagpa-kidnap sa 34 na sabungero noong 2022. Bukod dito, maari ring maging pugad ng money laundering at organized crime ang mga e-sabong hub.

Bagama’t ipinagbabawal pa sa ngayon ang e-sabong, marami pa rin namang ibang legal at awtorisadong casino games na p’wedeng laruin sa mga legal na online casino gaya ng OKBet. Sa pagtangkilik sa mga mapagkakatiwalaang gambling platform, makakasiguro na ligtas ang pagsusugal dahil mayroon itong basbas galing sa gobyerno.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top