Electronic Bingo vs. Online Bingo, Anong Pinagkaiba?

October 30, 2023 by TJ Gacura

OKBet Electronic Bingo

S

a unang pagkakarinig, maiisip na magkapareho ang electronic bingo at online bingo. Sa katunayan, magkaiba ang dalawa. Pareho pa rin naman sila at hindi nalalayo sa klasikong larong ito.

Saan nga ba nagkakaiba ang dalawa? Iyan ang ating aalamin dito.

Pagkakaiba ng Electronic Bingo sa Online Bingo

Narito ang mga bagay kung saan nagkakaiba ang dalawa. Ito ay ang mga sumusunod:

Platform at Lokasyon

E-Bingo

Sa electronic bingo, ito ay tinutukoy ang mga electronic bingo machine. Matatagpuan ang mga machine na ito sa mga pisikal na bingo venue o di kaya ay sa mga tradisyunal at land-based na casino.

Online Bingo

Ang bersyon na ito ng bingo ay malalaro sa internet. Mayroong mga dedicated na bingo websites o online casino platforms tulad ng OKBet. Ang mga manlalaro ay ma-access ang birtwal na lugar sa kani-kanilang mga tahanan.

Gameplay

E-Bingo

Sa e-bingo, gumagamit ang mga manlalaro ng electronic bingo terminals o devices imbes na tradisyunal na bingo tickets o cards. Ang electronic system na rin ang magmamarka ng mga numero, kaya’t nagiging mas mabilis ang gameplay nat efficient.

Online Bingo

Sa kabilang banda, ang online bingo ay kaparehas din ng e-bingo. Ang kaibahan lamang, bukod sa mayroon itong electronic daubbing system, mayroon itong birtwal na interaksyon kung saan ang mga manlalaro ay maaring makipag-usap sa kapwa manlalaro.

Karanasan ng mga Manlalaro

E-Bingo

Kailangan pa ring bumyahe patungo sa mga bingo halls ang sinumang nagnanais subukan ang electronic bingo game. Ibig sabihin, gumagamit sila ng pisikal na electronic bingo equipment at mayroong aktwal na social aspect, kung saan maaring makihalubilo at makipag-usap sa mga nasa bingo hall.

Online Bingo

Bagama’t kulang sa face-to-face na interaksyon, bumabawi naman ang platform na ito pagdating sa mga features tulad ng chat, kaya’t hindi pa rin nawawala ang social aspect ng bingo.

Klase ng mga Laro

E-Bingo

Ang klase ng electronic bingo machine games ay depende sa lugar na paglalaruan, at may kakaibang features at prizes na kaakibat.

Online Bingo

Ang mga online platforms ay mayroong maraming klase ng bingo games. Bukod dito, madami ring opsyon para sa mga patterns, tema at jackpot. Sa online bingo, ang mga manlalaro ay may kalayaang mamili sa iba’t-ibang klase ng laro na sakto sa kanilang panlasa.

Grapiks at Animation

E-Bingo

Ang mga electronic bingo equipment na matatagpuan sa mga pisikal na bingo halls ay may basic na grapiks at animation. Iba lang ito sa tradisyunal na bingo sapagkat nakapaloob na sa digital screen ang laro.

Online Bingo

Sa mga online platforms, ang mga bingo games ay maaring magkaroon ng advanced na grapiks, animations, at sound effects. Ito ay upang mahikayat ang mga manlalaro na maglaro at i-immerse ang kanilang mga sarili sa online bingo.

Ano ang Dapat Piliin?

Kung tutuusin, base pa rin sa personal itong panlasa ng manlalaro. May ilang mas gugustuhing maglaro sa online platforms dahil maari silang magsugal nang hindi umaalis sa kanilang mga tahanan, at makapaglaro ng mga variant ng bingo na hindi na kailangang lumipat ng ibang bingo hall.

Samantala, ang iba naman ay nais na maglaro sa mga bingo hall upang maramdaman ang personal at social na element na hatid ng laro. Pero kung ikaw ay naghahanap ng online platform na gusto mong paglaruan, subukan na ang nangugunang platform sa Pilipinas. Mag-register na ngayon!

Scroll to Top