E Sabong News: Update sa Bilang ng mga Naaresto
September 23, 2023 by TJ Gacura

A
yon sa pinaka-latest na e sabong news, nasa 1,245 na indibidwal na ang naaresto dahil sa paglalaro ng online cockfighting kahit na ipinagbawal ito ng gobyerno, at nasa kalahati pa lamang tayo ng taong 2023.
Base sa e sabong news na ulat ng Philippine National Police (PNP), 322 ng mga akusado ay convicted na, habang 808 cases naman ang naipasa na sa korte, at 437 naman ang nasa prosecutors na.
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pagkakahuli ng mga indibidwal na ito ay resulta ng kagustuhan ng sankapulisan na mapanagot ang mga operator ng illegal na sugal.
“Ang pag-aresto sa mga ito ay nagpaptunay na ang PNP ay nananatiling seryoso na ma-maintain ang peace and order sa ating mga komunidad,” dagdag pa ni Pol. Gen. Acorda Jr.
Bilang patunay, nagbabala na rin si Acorda na patuloy nilang hahabulin ang mga lumalabag sa batas.
Blocked e-sabong websites
Matapos iutos ni Presidente Ferdinand Marcos Jr na ipatigil ang mga operasyon ng e-sabong sa buong bansa, inutusan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang PNP na sundin ang utos ng pangulo.
Kaya naman nakipag-ugnayan ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa National Telecommunications Commission (NTC) upang i-block ang mga e-sabong websites, at pigilan na magkaroon ng mga bagong platform.
Bukod din sa pagkaka-aresto ng mga indibidwal na lumalabag sa batas, sunud-sunod din ang pagpapasara ng PNP ng mga platforms.Kamakailan lang, ang Anti-Cybercrime division ay nakapagtala ng 1,529 na e-sabong website shutdowns simula Hunyo 2022 kung kailan ipinagbawal ang online sabong ni dating Pangulo Rodrigo Duterte, hanggang Agosto 2023, sa ilalim naman ng Administrasyon ni Marcos.
Pero Bakit Mayroon pa ring E-Sabong?
Makikita sa mga e sabong news na maraming platform at indibidwal na sangkot sa illegal sabong ang naaresto at napasara. Subalit, hanggang ngayon, sa kabila ng mga suspended online sabong websites, nanatili pa ring talamak ang iligal na gawaing ito.
Ito ay sa kadahilanang bagama’t nasugpo na ang mga naglalakihang online sabong platforms, nabuwag naman ito sa mas malilit na operasyon.
Bukod pa rito, nahihirapan ang ACG na tuluyang ipasara ang mga e-sabong operations lalo na at ang mga operators, o master agents, ay nagtigil na sa pag-live stream ng mga laro. Ngayon, dahil nag-iingat na ang mga ito, mangilan-ngilan na lamang ang may access sa e-sabong, at dumadaan sila sa masusing imbestigasyon bago pahintulutang maglaro sa mga websites.
Nagkaroon din ng isyu sa loob mismo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kung saan ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ay nasangkot sa usaping korupsyon.
Nito lamang Setyembre 2023 ay inimbestigahan ang nawawalang P75 milyon na performance bond ng isang e-sabong firm, kung saan kasamang inakusahan ang kasalukuyang PAGCOR chair na si Alejandro Tengco at ang kanyang chief of staff na si Dianne Erica Jogno.
Hinaharap nilang kaso ay malversation of public funds, qualified theft, at falsification of private and commercial documents kasama ang dating board members na sina Gabriel Claudio, Carmen Pedrosa, Reynaldo Concordia, at James Patrick Bondoc.
Subalit iginiit ni Cavite 4th Elpidio Barzaga Jr na maling maidawit si Tengo sa isyu dahil ang inakusahan ay si dating PAGCOR chair Andrea Domingo.
Kaya naman tumangkilik lang sa mga legit na online casino platforms na may mga serbisyong pinapahintulutan ng gobyerno. Mag-register na dito: