Chinese Baccarat Strategy: Golden Eagle o Silver Tiger?

September 6, 2023 by Macky Escasinas

Chinese Baccarat Strategy Golden Eagle o Silver Tiger

May dalawang sikat na Chinese baccarat strategy ang palaging ginagamit ng mga batikang manlalaro: Golden Eagle at Silver Tiger. Gusto mo ba malaman paano mo ito magagamit? Basahin na ang blog post na ito upang malaman kung paano at saan angkop gamitin ang dalawang baccarat gambling strategy na ito.

Ano ang Chinese Baccarat?

Ang Chinese Baccarat ay isang uri ng tradisyunal na baccarat. Kilala ito bilang “Macau baccarat” at sikat sa mga casino sa Asia, lalo na sa Macau.

Gaya ng baccarat, ang Chinese bersyon ay kinakailagang mahulaan alin sa Player at Banker ang mas mataas ang baraha.

Nagkakaiba lang ang dalawa sa pag-handle ng cards. Sa Chinese na variant, madalas na may suspense na kasama ang pag-reveal nito. Samantala naman sa tradisyunal na bersyon, standard ang paglabas nito.

Bukod dito, maaari ring magkaiba sa termonolohiyang gamit, pati na rin sa layout ng table.

Basic Chinese Baccarat Strategy

Bago tayo magtungo sa advanced baccarat strategy, magkakaroon muna tayo ng refresher sa iba’t-ibang istratehiya na p’wedeng magamit sa larong ito.

Nabanggit namin dito sa OKBet na may limang basic na paraan upang manalo sa baccarat, at ito ay:

  1. Laging tumaya sa banker.

  2. Hanggat maaari, iwasan ang pagpusta sa “Tie.”

  3. Magkaroon ng limit sa kung magkano ang dapat gastusin sa pagsusugal.

  4. Limitahan kung magkano ang dapat mapanalunan at dapat ipatalo.

  5. Iwasang gumamit ng card counting strategy.

Ngayong atin ng nabanggit ang mga basic strategy sa baccarat, atin ng pag-usapan ang dalawang advanced baccarat strategy: ang Golden Eagle at Silver Tiger.

Golden Eagle Baccarat Strategy

Gamit na gamit ang istilong ito ng maraming manlalaro ng baccarat. Masalimuot ang betting pattern nito at madalas na kinokonsidera bilang isang uri ng pattern recognition.

Ito ay epektibo kung maglalaro sa isang tradisyunal na casino dahil kailangang magkaroon ng “pattern” bago magsimulang pumusta. Madalas na naghihintay si player na maghintay kung ilang beses mananalo ang Banker bago sundan ng isang panalo ni Player bago pumusta.

Kapag na-meet na ang bilang ng panalo ni Banker, tsaka lamang maglalagay ng pusta ang manlalaro. Kasabay ng bawat talo ay ang pagtaas ng pusta. Kapag naman nanalo na ang player, babalik sa umpisa ang halaga ng pusta.

Itong style na ito ay para sa may malalim na bankroll. Hindi ito bagay sa mga conservative na players lalo na’t kailangang taasan ang taya bawat talo.

Upang magkaroon ng mas malalim na pag-intindi sa istratehiyang ito, maari kang mag-dowload ng Golden Eagle Baccarat strategy sa PDF. Pero kung ikaw ay takot na mag-risk, maari mong gamitin ang…

Silver Tiger Baccarat Strategy

Sa Silver Tiger, kaparehas nito ang Golden Eagle kung saan maghihintay muna ang manlalaro na pre-determined na bilang ng Banker at Player wins. Ang kaibahan lang dito ay imbes na taasan ang pusta sa bawat talo, magtataas lang ang panalo kapag nanalo. Uulit lamang ang laki ng halaga ng taya kapag natalo na ang player.

Dito rin sa strategy na ito, mayroon itong nakatakdang bilang ng panalo, kung saan ire-reset na ni player ang kanyang pusta. Ito ay magandang paraan upang mabawasan ang posibleng laki ng pagkatalo.

Saan P’wede Gamitin ang mga Strategy na Ito?

Pagdating sa Chinese na bersyon ng laro, itong dalawa ang masasabing best baccarat strategy. Ang Golden Eagle at Silver Tiger ay maaaring magamit sa mga:

  • Punto Banco o ‘North American baccarat’

  • Baccarat Banque or à deux tableaux

  • Super 6

  • Punto 2000

  • Mini Punto (Mini-Baccarat)

  • Midi Punto (Midi Baccarat)

  • Baccarat Chemin de Fer

  • EZ Baccarat

Konklusyon

Magandang tandaan na bagama’t may istratehiya sa Chinese baccarat, ito ay mananatiling isang laro ng swerte. Maaring gumamit ng Golden Eagle o Silver Tiger sa baccarat, pero tandaan na upang manalo sa pagsusugal, pagiging responsableng manlalaro ang susi sa tagumpay.


Mag-register na!

Scroll to Top