Best Horse Racing Betting Strategy: Tumaya Lagi sa Quinella

September 19, 2023 by TJ Gacura

K

ung gusto mo na magkaroon ng mataas na tyansa na manalo, ang best horse racing betting strategy na p’wedeng gamitin ay ang palaging pagtaya sa Quinella. Bagama’t ito ay isa sa mga “exotic bets” sa horse racing, isa ito sa makakapagbigay ng medyo malaking payout sa oras na tumama ang iyong prediksyon.

Bakit Magandang Istratehiya ang Palaging Tumaya sa Quinella?

Kaya nasabi na ang palaging pagtaya sa Quinella ang pinakamagandang horse racing betting strategy ay dahil:

  • Ito ang klase ng taya kung saan dalawang kabayo ang huhulaan na makakasungkit ng first at second place.
  • Hindi mahalaga rito ang pagkasunud-sunod, hindi tulad ng Exacta bet sa horse racing na kailangang nasa tamang pagkasunud-sunod ang mga nagwaging kabayo.
  • Basta’t tama ang mga kabayo na napili, siguradong panalo ka.
  • Swak din ito para sa mga baguhang mananaya ng horse racing, kaya naman basahin na itong aming explainer.

Klase ng Quinella Bets

Bukod sa tradisyunal na quinella bet, mayroon din itong iba’t-ibang klase, gaya ng:

Boxed

Ito ay isang klase ng pusta kung saan malaya ang mga manunugal na makapamili kung ilang mga kabayo ang maaring manalo ng first at second. Downside lang nito ay kapag masyadong madami ang kalahok, marami rin ang kombinasyon. Kapag marami ang kombinasyon, mas malaki ang gastos para sa pusta.

Standout/Banker

Ito ay isang klase ng Quinella kung saan maaring mag-lock ng ilang mga kabayo, pero isa lang ang kailangang makapagtapos ng first o second. Advantage nito ay kailangan mo lamang bayaran ang ibang mga kabayo, bukod sa napili mo na “ibanko.” Common ito sa mga horse racing sports betting sites sa New Zealand.

Easy Bet

Hindi ito common sa mga sportsbook, at ilang ang mayroon nito gaya ng OKBet. Ito ay isang computer-generated na uri na paglalagay ng pusta kung saan ang bettor ay maglalagay lang ng kanyang budget at hahayaan ang computer system ang maghahati nito. Mahalagang pag-aralan muna at intindihin ang horse racing odds bago piliin ang sports betting option na ito.

Mga Kombinasyon sa Quinella

Madaming kombinasyon na p’wedeng gawin sa Quinella, gaya ng pag-combine ng bet of the day sa horse racing at sa isang well-researched na kabayo. Haliimbawa na lang ay ang horse racing sa Australia, kung saan ang maximum na kabayo na p’wedeng tayaan sa bawat karera ay 4. P’wede rin na umabot hanggang sa 6 na kabayo ang p’wedeng tayaan, pero iilan lang ang nag-aalok nito sa Pilipinas.

Bukod pa rito, tumataas ang halaga ng taya sa bawat kabayo. Kaya mahalaga na malaman muna ang cost ng bawat kombinasyon para sa pinakamagandang resulta ng pagpusta.

Para Maging Profitable ang Strategy

Kailangang magkaroon ka ng masusing kaalaman patungkol sa kung alin ang pinakamahusay na mga kabayo. Ibabase mo ito sa kanilang mga trainers, jockeys, at horse racing records.

Bukod dito, mahalaga ring malaman ang klase ng race track kung saan namamayagpag ang mga kabayo na iyong napili. May iba kasi na magaling sa isang partikular na racetrack pero mahina sa iba. Bigyang-halaga rin ang panahon dahil nakakaapekto ito sa performance ng mga kabayo.

Pero para sa mga baguhan, magandang mag-praktis muna ng straight Quinella bago lumipat sa iba nitong klase para maiwasang masunog ang iyong bankroll.

Scroll to Top