Bakit Sikat ang Bingo sa mga Filipino Maging sa Online?
September 9, 2023 by Macky Escasinas
B
ukod sa pinagbubuklod-buklod ng bingo ang mga Pilipino sa isang lamesa, ang paglipat nito sa online ay inaasahang magdudulot ng pagtamlay ng laro. Pero hindi. Sa halip, mas tinangkilik ito ng mga Pinoy, saanmang sulok ng mundo.
Sa Pilipinas, nagkalat ang mga tradisyunal na bingo hall. Pero dahil sa Covid-19, napilitan ang mga Pilipino, kasama ng buong mundo na mag-digitize, kabilang na rito ang mga casino games. Kaya naman sa bawat online casino platform dito sa bansa, mayroon silang iba’t-ibang laro, kasama na ang online bingo.
Pagdating naman sa bakit appealing ito sa mga Pinoy, isa na sa nakikita naming dahilan ay sapagkat isa itong budget-friendly na uri ng entertainment. Kaya naman sa blog na ito, ating pag-uusapan ang mga factors na nagbukas ng oportunidad para sa laro na makapag-adapt sa digital na panahon.
8 na Dahilan Bakit Madaming Pinoy ang Naglalaro ng Online Bingo
Low Cost para Makasali
Gaya ng aming nasabi sa simula ng blog na ito, isa sa mga pangunahing dahilan bakit ang bingo ay sikat ay dahil affordable itong laruin. Hindi ito kagaya ng ibang casino game o leisure activities tulad ng panunuod ng sine, kumain sa labas, o pagpunta sa iba’t-ibang lugar. Kaunting halaga lang ang kailangan para makapaglaro nito. Kahit ang bingo live sa mga online platforms tulad ng OKBet ay hindi gaanong kamahal. Madalas pa nga, ang isang single bingo card ay sobrang mura lang kaya’t kahit sino, anuman ang antas ng kanilang pamumuhay, ay maaring makapaglaro nito.
Ginagamit din ang bingo sa mga aktibidad gaya ng palaro sa komunidad, fundraisers, o mga small-scale events. Ito ay dahil hindi kinakailangan ng malaking budget upang magkaroon ng isang palaro sa isang event, maliit man o malaki.
Inclusivity
Bukod sa pagiging affordable, lahat ay maaring maglaro ng bingo, mula bata hanggang sa matatanda. Hindi ito kagaya ng ibang laro na kailangang nasa isang specific na edad upang makapaglaro. Bukod dito, wala ring pinipiling gender, o social status ang bingo, kaya’t angkop ito na activity para sa mag-anak o grupo ng magkakaibigan.
Dahil sa inclusivity na ito, nasisiguro ng bingo na lahat ay makakasali anuman ang kanilang edad o estado sa buhay. Gayunpaman, ang e-bingo sa mga online gambling platforms ay kailangang laruin ng mga manlalaro na nasa legal na edad dahil may mga batas alinsunod sa pagsusugal.
Malawak na Accessibility
Sa, hindi na kailangan ng mga espesyal na equipment o studio o lugar para makapaglaro. Basically, kahit saan ay p’wedeng maglaro ng bingo. Maari itong laruin sa mga community centers, local halls, at sa tahanan. Sa pag-usbong ng online bingo, naging mas madali na rin para manalo ng totoong pera saanman abutan ng kagustuhang maglaro.
Bukod pa rito, simple lang ang kailangang kagamitan sa bingo. Kailangan lang dito ay bingo cards, markers o daubers, at isang taga-announce ng mga numero. Kasabay ng pagiging minimalistic nito ay ang pagiging affordable para sa nag-organisa ng palaro.
Pagiging Isang Social Element
Dahil ang mga Pilipino ay mahilig makipag-ugnayan sa kapwa, ang bingo ang isa sa mga laro na maaring magawa ng mga tao habang nag-eenjoy. Hindi ito katulad ng baccarat o poker na kailangang seryoso na nakatingin sa hawak na mga baraha.
Sa bingo, maaring maging isang pampalipas-oras ito ng magpapamilya, o ng magkakaibigan. Ginagawa rin ito para makipag-ugnayan muli sa mga mahal sa buhay, o kaya’y magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Kaya naman bukod sa affordable, may iba pang values ang kayang ihandog ng bingo, at ito ay ang elemento ng interaksyon at komunikasyon.
Potensyal na Manalo ng Malaki
Bagama’t ang objective ng bingo ay entertainment, ito rin ay maaring makapagbigay ng malaking premyo sa maswerteng manlalaro. Isa rin itong elemento kung bakit marami ang nahuhumaling na bumili ng bingo ticket at maglaro.
Flexible sa Oras
Hindi katulad ng ibang laro na inaabot ng oras para lang matapos ang isang round, ang bingo ay maaring magtagal depende sa nais ng mga manlalaro. Dahil dito, may kalayaan ang mga players na kontrolin kung gaano karaming oras ang kanilang ilalaan sa paglalaro. Isa rin itong pamamaraan para makahikayat na maging isang responsableng manunugal.
Variations
Para maging lalong kaaliw-aliw, ang bingo ay nagkaroon ng maraming formats. Mayroon pa rin namang tradisyunal bingo, speed bingo, blackaout bingo, at mga themed bingo events.
Pero ngayon, lalo na sa Pilipinas, nagkaroon na ng “sakla” o “color game” para magkaroon ng twist ang klasikong laro na ito. Mayroon itong sariling rules at premyo pero sulit pa rin na laruin.
Maliit lang ang Karagdagang Singil
Ang ibang casino games ay may nakatagong singil, ibahin mo ang bingo, dahil maliit lang ang adisyunal na halaga na kailangan mong bayaran dito. Kapag nabili mo na ang iyong bingo cards, wala ka ng ibang babayaran pa, hindi katulad ng pagpunta sa isang theme park kung saan kinakailangan mong gumastos para sa pagkain, inumin, at mga souvenirs. O kaya naman kapag naglalaro ka ng baccarat, may 5% commission ang house kapag nanalo ang player sa taya niya sa Banker.
Kaya naman sa kabuuan, sulit ang bingo, tradisyunal man o online, na bagay sa magkakaibigan at sa isang pamilya bilang activity para mag-bond at mag-enjoy. Kaya naman kahit nasa digital na panahon na, nananatiling sikat na opsyon bilang entertainment ang bingo.