Bakit Mahalaga ang Paggamit ng Online Blackjack Strategy?
November 18, 2023 by TJ Gacura

G
aya ng ibang sugal, mahalagang gumamit ng tamang online blackjack strategy upang ma-optimize ang panalo. Kung sa tingin mo ay kailangan at importante ito, hindi ka nag-iisa.
Sa katunayan, ang Wizard of Odds at mathematician na si Michael Shackleford ay ginigiit na ang mga manlalaro ng mga online casino gaya ng OKBet ay kinakailangan talaga ng teknik at mga sistema para manalo.
Kahalagahan ng Online Blackjack Strategy
Maaring nagtatanong ka kung bakit sobrang importante istratehiya sa blackjack.
“Madali lang ‘yan,” o kaya “Kailangan lang naman na malapit sa 21 at hindi lalagpas para manalo,” ang madalas na mindset ng mga manlalaro. Minsan pa nga, makakakita ka na “online blackjack lang ‘yan at may side bets naman,” na mga sagutan.
Pero tandaan na ang sugal ay isang laro ay kailangan ng swerte at kaunting pamamaraan at diskarte. Ibinahagi rin ni Shackleford kung ano ang importansya ng mga istratehiya sa paglalaro ng blackjack online para kumita:
Player Impact
Ang blackjack ay hindi katulad ng ibang casino games. Sa klasikong card game na ito, ang mismong manlalaro ay may kakayahang magkaroon ng impact sa kalalabasan ng laro.
Para Makatipid
Kapag may tamang istratehiya, makakatipid ang sinumang magsusugal.
Appreciation sa Math
Sa blackjack, gumagamit din ng matematika para mai-apply ang mga istratehiya ng epektibo. Ang math ay araw-araw ginagamit at sa pamamagitan ng mga istratehiya, naipapakita nito ang kahalagahan ng naturang subject.
Pundasyon ng Kaalaman
Kapag may plano o paraan kung paano gagawin ang isang bagay, nagsisilbi itong pundasyon upang madagdagan ang kaalaman na makakatulong upang ma-improve ang skills.
Alamin ang Gagawin sa Kahit na Anong Sitwasyon
Base sa pagsasaliksik ng ekspertong si Peter Griffin, nagkakaroon ng 1.4% house edge sa tuwing may misplay. Ang porsyentong ito ay malaki ang dulot sa laro, kaya naman nais ni Shackleford na matutunan ng mga manunugal na subukang ilaban ang bawat porsyento, lalo’t magagawa naman ito gamit ang mga pinakasimpleng istratehiya sa blackjack online gambling.
Tamang anahon para mag-hit
Turo pa ni Shackleford, ang isang manlalaro ay dapat mag-hit lamang kapag ang hawak nya ay mababa kumpara sa up card ng dealer. Ibig nitong sabihin, nakukulangan ang player sa kanyang baraha at susubukang mapataas ang value sa pamamagitan ng pagbunot ng isa pang card.
Halimbawa;
Si Juan ay may kabuuang value na 14 habang ang dealer naman ay may up card na 10. Ang tyansang manalo ni Juan ay mababa lalo na’t kailangan na lamang ng dealer na makakuha ng 15 na kabuuang halaga para siya’y talunin. Dahil sa sitwasyon na ito, mayroong pitong baraha na makakapagdagdag ng halaga sa hawak niya, at tama lang na sumubok.
Kailan dapat mag-stand?
Pagdating naman sa pag-stand sa blackjack online gambling, ang pinakaimportanteng bagay na dapat tandaan palagi ay may advantage palagi ang house.
Sa oras na may weak card ang dealer, ito ang tamang oras upang i-consider ang pag-stand. Pero huwag ding kalimutan na ang dealer ay may positional advantage sa blackjack, kung saan kapag pareho bust, talo ang player.
Kaya paalala ni Shackleford, maging maingat sa pag-stand at siguraduhin lamang na may mataas na hawak, at hindi dapat mababa sa 17 ang kamay.
Ano ang tamang panahon para mag-double down?
Unang-una, ang double down ay isa sa mga side bets na makikita sa online blackjack at sa tradisyunal na laro. Ito ay ginagawa matapos na matanggap ang unang dalawang baraha kung saan tataasan ang taya ng hanggang 100 porsyento. Pagkatapos na i-activate ang side bet na ito, makakatanggap ang player ng isa pang baraha.
Turo ni Shackleford, gawin lamang ang double down kapag mayroong 10 o 11, o kung ang dealer ay may mahina ang baraha.
Perpektong oras para paghiwalayin ang pairs
Ayon sa tinaguriang Wizard of Odds, gawin lamang ang split pairs kapag mahina ang hawak ng dealer ay mahina, at walang alternatibong paraan na mas maganda kesa sa splitting.
Halimbawa:
Si Pedro ay may dalawang 8 kontra sa 10-pair ng dealer. Kung titignan, dehado si Pedro at hindi magandang ideya kung siya ay mag-stand o kaya mag-hit. Dito na papasok ang splitting (kahit na hindi ito ang pinakamagandang opsyon) dahil mas mataas ang posibilidad nito na magkaroon ng mas magandag resulta kesa hayaang magsama ang dalawang 8.
Kailan ang tamang oras para mag-surrender?
Ang surrender ay hindi palaging available sa ibang blackjack games, pero sa oras na ito ay p’wede, maari ittong gamitin upang makuha ang kalahati ng unang taya. Ginagamit ito sa mga pagkakataon kapag wala ng ibang opsyon kundi sumuko na lang.
Sabi pa ni Shackleford, ang pinakamagandang panahon para mag-surrender ay kung mayroong kabuuang halaga na 16 ang player kontra sa 10 o 9; 16 laban sa Ace; 17 versus Ace; at 15 kontra 10.
Dapat ba na kumuha ng insurance?
Ito ang pinagdiinan ni Shackleford: ‘WAG. Masyadong mataas ang house advantage (7.7%) ng insurance bet. Gumamit lang nito kung isa kang card counter, na hindi naman epektibo bilang isang online blackjack strategy.
Bilang konklusyon, hindi lang swerte ang magpapataas ng tyansang manalo; kailangan din ng istratehiya. Isang importanteng bagay ang pagkakaroon ng plano at tamang hakbang sa pagsusugal dahil ito ang magpapahaba ng buhay ng bankroll, at makakapaglayo sa iyong maubos ang pinaghirapang salapi. Subukan na ang bagong kaalaman sa pamamagitan ng pag-register sa ibaba: