Bakit Ang Online Sabong ay Naging Iligal?

October 22, 2023 by Macky Escasinas

OKBet Online Sabong Iligal

S

a gitna ng pandemya, nagawa pa ring mamayagpag ng online sabong kahit na ito ay iligal. Hindi napigilan ng pagkakulong sa kani-kanilang mga tahanan ang mga sabungero. Sa halip, dahil sa mga online sabong platforms na nagkalat sa Pilipinas, nagawa pa ring makapagsabong ng mga tao.

Wala naman sanang problema sapagkat kahit may pandemya ay hindi naman lumalabag sa anumang health protocols ang mga manlalaro. Bukod dito, malaki ang naitutulong ng mga sabong online betting sites sa ekonomiya.

Bago masuspinde ang mga online sabong games, hinihinalang nasa P55 bilyon ang kinikita ng ng mga e-sabong operators. Nasa humigit-kumulang na P18 bilyon naman ang napupunta sa gobyerno sa pamamagitan ng tax.

Napakalakas naman talaga ng e-sabong sa bansa, at patunay na rito ang kumpanya ni Atong Ang. Si Ang ay isang kilalang may-ari ng pinakamalaking e-sabong operation sa Pilipinas. Ayon sa mga ulat, kumikita ang kanyang kumpanya ng nasa tatlong bilyong piso. Bakit? Sapagkat dalawa lamang na operator ang pinahintulutan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na mag-operate nito. Ang ibang nagsi-sulputang mga platform ay walang lisensya at kinokonsidera bilang iligal.

Gayunpaman, napakalaki pa rin ang naitutulong ng mga lisensyadong online sabong platforms sa ekonomiya ng bansa. Kaya naman malaking kawalan ang pagkakasuspinde ng mga operasyon nito at ginawang iligal ang online sabong.

Ano ang Naging Rason?

Wala naman kasi sanang problema kung hindi lang dahil sa isang insidente, ang dating mga legal na e-sabong operators ay pinigilang makapag-operate.

Ang pagkawala ng nasa 31 manlalaro ng e-sabong ang naging mitsa ng pagkaka-suspinde ng mga lisensya ng mga operators ng virtual sabong.

Hindi ginusto ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang operasyon ng mga ito lalo na at malaki ang kontribusyon ng dalawang higanteng kumpanya ng e-sabong sa bansa.

Ngunit dahil sa insidente, napilitan si Duterte na lagdaan ang Senate Resolution No. 966 para opisyal na maipatigil ang operasyon ng e-sabong sa buong bansa. Layunin ng resolusyon na ito na patigilin ang e-sabong hangga’t hindi natatagpuang mga sabungero.

Magpasa-hanggang ngayon, tigil ang operasyon ng mga lisensyadong e-sabong operators sapagkat hindi pa rin nalulutas ang kaso ng mga nawawalang sabungero.

Patuloy Pa Rin

Bagama’t tigil ang operasyon ng mga legal na e-sabong platforms, hindi naman nagpatinag ang mga iligal. Marami pa ring hindi awtorisado ng PAGCOR ang nagsasagawa ng mga sabong matches.

Ayon sa isang ulat ng Philippine Daily Inquirer, mayroon pang mga “money mules” ang mga iligal operators na ito. Sila yung mga nagpapagamit ng kanilang account sa banko para gamitin sa mga iligal na transaksyon ng platform, mapa-top up o withdrawal.

Ang mga operasyon ay hindi lamang dito sa Pilipinas. Bagkus, nakarating na rin ito sa ibang bansa, partikular na sa mga casino sa Macau, Vietnam, at Thailand.

Kaya rin patuloy ang pagsasagawa ng iligal na gawaing ito ay dahil ang isang transaksyon ay maaring umabot ng milyon.

Samantala, patuloy pa rin namang sinusubukang puksain ng gobyerno ang mga iligal operators. Mayroon na rin namang batas sa bansa na napaparusa sa sinumang mahuhuling sumasali o nagsasagaw ang iligal sabong.

Ito ay ang Presidential Decree No. 1602, o ang batas para sa mas mahigpit na pagpapataw ng kaparusahan sa mga iligal na sugal, kabilang ang e-sabong.

Tumangkilik sa Legal

Nakakalungkot man na naging iligal ang operasyon ng e-sabong, subalit mayroon pa rin namang ibang paraan para makapag-enjoy na hindi lumalabag sa kahit na anong batas. May mga online casinos na awtorisado ng PAGCOR. Ilan sa mga lisensyadong gambling operator sa bansa ay ang OKBet kung asan nakakasiguro ka na ligtas ang iyong paglalaro’t pagsusugal.

Kung wala ka pang account sa isang mapagkakatiwalaang platform, gumawa na ngayon din. Pindutin lamang ang button sa ibaba.

Scroll to Top