Baccarat Winning Strategy: 1-3-2-6 System
Sa larong baccarat, may winning strategy na dapat kailangang gamitin ang isang player. Bagama’t naglipana na ang iba’t-ibang system gaya ng Martingale, Parolo, at Flat Betting, walang kasiguraduhan ang panalo sa pagsusugal.
Kaya naman naimbento ang 1-3-2-6 system bilang isang baccarat strategy upang magkaroon ng mas malaking panalo. Handa ka na bang matutunan ito? Basahin na ang OKBet guide namin para sa baccarat gambling strategy na ito.
Ano ang 1-3-2-6 Baccarat Winning Strategy
Ito ay isang strategy sa baccarat kung saan tataya ka base sa bilang ng sistema na ito. Ang 1-3-2-6 ay mga units kung magkano ang dapat mong itaya.
Halimbawa, ang pusta mo sa laro ay P10, ito ang magsisilbing first unit (1 unit). Kapag nanalo ka, triple ng iyong unang pusta ang susunod, o P30 (3 units). Sa pangatlong sunod na pagkapanalo, babaan mo ang pusta ng isa, o P20 (2 units). Kung ikaw ay nanalo pa rin sa pang-apat na pagkakataon, ang magiging taya mo ay anim na beses ang laki, o P60 (6 units).
Kung ikaw ay nanalo pa rin sa pang-apat na beses, uulitin mo ang halaga ng taya sa pinakamaliit, o P10.
Kung sakaling natalo ka sa unang unit, uulitin mo ang halaga ng iyong pusta. Ganoon din ang mangyayari kung sakaling nanalo ka sa unang beses, pero natalo sa pangalawa, at sa mga susunod na dalawang round ng strategy na ito.
Ang goal ng 1-3-2-6 betting system ay upang magkaroon ka ng profit habang mina-manage mo ang iyong mga talo.
Pagkukumpara ng 1-3-2-6 sa ibang Betting System
Martingale
Ang 1-3-2-6 baccarat casino game strategy ay di hamak na mas ligtas kumpara sa Martingale, sapagkat ang huli ay isang negative progression na teknik. Ibig nitong sabihin ay sa bawat talo, tataasan mo ang iyong pusta.
Sa Martingale, ang layunin ng player ay mabawi ang mga naunang talo sa pamamagitan ng pagpusta ng mas malaki. Pero ang kapalit nito ay malakihang talo sa katagalan lalo na kapag nagkaroon ng losing streak si player.
Labouchere
Kilala rin bilang Split Martingale o Cancellation System, ang casino baccarat betting strategy na ito ay kumplikado kumpara sa 1-3-2-6. Una, kailangang gumawa ng isang sequence ang player base sa naiisip niya. Ang unang taya ay base sa suma-total ng una at huling numero ng sequence na ginawa.
Kapag nanalo, uulitin ang taya, pero kapag natalo, idadagdag ang halaga ng naunang taya sa dulo ng sequence, at magbabago ang iyong pusta dahil iba na naman ang total ng una at huling numero sa sequence.
Kaya kung ikukumpara natin ang Labouchere sa 1-3-2-6, ‘di hamak na mas simple at straightforward ang huling betting strategy. Hindi na kailangan pang mag-isip ng sequence dahil uulitin pa rin ang bilang ng pusta sa ikaapat na round ng pagsusugal.
Paroli
Ito ang kabaliktaran ng Martingale, at isa ring epektibong system gaya ng 1-3-2-6. Sa Paroli, ang bawat panalo ay nagreresulta ng dobleng pusta sa susunod. Kapag natalo naman, babalik sa orihinal na halaga ng pusta, kaya’t siguradong magtatagal ang iyong bankroll.
Saan Maaaring Magamit ang Baccarat Winning Strategy na Ito?
Bukod sa baccarat, ang 1-3-2-6 strategy ay maaaring gamitin sa:
- Roulette
- Blackjack
- Craps
Dapat Isaalang-Alang sa Strategy na Ito
Mapapatagal ng 1-3-2-6 ang puhunan subalit dapat isaalang-alang ang laki ng bankroll ng player. Sa istratehiyang ito, kinakailangan kasing pag-isipan ng player kung magkano ang pauna niyang pusta dahil kailangan niyang triplehin at doblehin ito kapag siya ay nanalo. Upang magawa ng maayos ang teknik na ito at umabot sa ika-anim na unit, dapat malaki ang bankroll.
At ngayong alam mo na kung paano gamitin ang 1-3-2-6, subukan na itong gamitin sa baccarat! Tandaan lamang na ito ay hindi garantisadong magbibigay ng panalo kapag ginamit. Bagkus, ito ay isang pamamaraan upang maibsan ang talo at magkaroon pa rin ang player ng panalo.
Walang Account? Register na Dito!
Read More: Baccarat Winning Strategy: 1-3-2-6 System