Ano ang Mini Baccarat Online?

September 15, 2023 by TJ Gacura

Ano ang Mini Baccarat Online

Ano ang Mini Baccarat Online?

Ang mini baccarat online ay ang digitized version ng sikat na casino game na may kaparehang pangalan. Upang mas maintindihan, ito ay ang pinasimpleng variant ng klasikong laro ng baraha.

Kung ikukumpara natin ang version na ito sa original na laro o sa “Big Baccarat” o “Punto Banco,” ‘di hamak na mas mabilis, at mas madali ang mini baccarat. Ganoon din kung lalaruin ito sa mga online platform tulad ng OKBet.

Kaya naman ating pag-uusapan dito sa blog na ito kung bakit na mas mainam laruin at i-master ang mini baccarat kaysa sa klasikong laro.

Mini Baccarat Online Game Rules

Ang mini baccarat ay pareho ang game rules sa tradisyunal na bersyon. Subalit ang kaibahan, mas mabilis ang gameplay nito.

Para sa mga hindi alam paano nilalaro ang baccarat, narito ang isang mabilis na overview kung paano laruin ang klasikong casino game na ito:

Objective

Ang layunin ng player sa Mini Baccarat ay matayaan ang tamang resulta ng two-card hand na ibinigay ng dealer para sa “Player” at “Banker.” Kung sino ang mas malapit sa 9, siya ang mananalo. At gaya ng original na baccarat, maari ring tumaya ang manlalaro sa “Tie.”

Value ng mga Baraha

Sa baccarat, maging sa mini, ang halaga ng mga card na 2 hanggang 9 ay parehas ng kanilang face value. Ang 10s at face cards tulad ng jack, queen, at king ay walang puntos. Samantala, ang ace naman ay mayroon lamang 1 point.

Gameplay

Bago magsimula ang laro o session, ang mga manlalaro ay maglalagay ng pusta alinman sa “Player,” “Banker” at “Tie” na opsyon. Kapag nakapaglagay na ng pusta, mamamahagi na ng dalawang baraha sa “Player” at Banker.

May mga pagkakataon kung saan kailangang bumunot ng ikatlong baraha tulad ng:

  • 0-5 ang total na puntos ng “Player.”
  • Pagdating naman sa “Banker,” maraming salik ang dapat isaisip gaya ng:
    • Kapag ang total ay 0-2, bubunot ng ikatlong baraha ang Banker.
    • Kapag 3 naman ang puntos, bubunot lamang kung ang baraha ng Player ay 8.
    • Kapag naman 4 points ang total, maaring bumunot kung ang ikatlong baraha ng Player ay 4-7.
    • Kung sakaling ay 6 points ang kay Banker, bubunot lamang siya kapag si Player ay may ikatlong baraha na 6 o 7.

Para Manalo

Kailangan na ang value ng total na mga baraha ay 9. Kung sino ang may pinakamalapit sa itinakdang limit, siya ang magwawagi.

Halimbawa, ang total na baraha ng Player ay 8, habang ang sa Banker naman ay 6. Kung ang mananaya ay naglagay ng pusta sa Player, wagi ito, pero kung hindi, talo siya.

Mga Rason Bakit Magandang Laruin ang Mini Baccarat

Maraming manunugal ang preferred ang mini baccarat dahil sa mga sumusunod na rason:

  1. Maliit lang ang limit sa pagtaya;
  2. Mabilis ang gameplay;
  3. Pinadaling mga rules;
  4. P’wedeng laruin ng maraming manlalaro at hindi rin ito gaanong ka-eksklusibo kumpara sa ibang variant ng baccarat; at
  5. Bagay na bagay ito sa mga baguhan dahil bukod sa madali itong maintindihan, hindi ito nakaka-intimidate at makipagsabayan sa mga beterano na sa laro.

Pero bagama’t nakakahumaling laruin ang mini baccarat, mahalagang isaalang-alang na ito ay isang uri ng sugal. Ang labis-labis na pagsusugal ay p’wedeng maging sanhi ng pagkalulong o adiksyon. Kaya naman maging responsable sa paglalaro at iwasan ang paghabol sa mga pagkatalo. Ito ay para lamang sa entertainment at hindi kailanman magiging isang stable na paraan para kumita ng salapi.

FAQs

May mini baccarat payout rules din ba?

Oo. Sa katunayan, parehas lang ang mini at ang tradisyunal na baccarat pagdating sa payout rules.

Narito ang payout table ng laro:

“Player” Wins

Sa oras na pumusta ang manlalaro sa “Player” at nanalo, mayroon itong payout ng 1:1. Ibig nitong sabihin ay kaparehas ng halaga ng taya ang panalo.

“Banker” Wins

Kapag naman “Banker” ang nagwagi, may payout pa rin ito ng 1:1. Subalit, may house commission na tinatawag sa betting option na ito. Para sa baccarat, ang komisyon ay 5% ng kabuuang pusta ng manlalaro.

Halimbawa, nanalo ang taya ni Juan na P500 sa Banker. Dahil sa 5% komisyon, mababawasan ito at magiging P495 na lang.

“Tie” Wins

Kung matagumpay na pumusta sa “Tie,” ang manlalaro ay makakatanggap ng payout na may ratio na 8:1 o 9:1.

Halimbawa ay pumusta si Juan ng P100 sa “Tie” at ito ay tumama, makakatanggap siya ng panalo na P800 o P900.

Ano ang RTP ng Mini Baccarat?

Gaya ng aming nabanggit, halos magkaparehas lang ang mini at ang tradisyunal na baccarat. Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay ang gameplay, kung saan mas mabilis ang mini kumpara sa orihinal na laro. At dahil pareho ang dalawang laro, parehas din ang kanilang return-to-player o RTP.

Narito ang RTP ng mga betting option:

  • Player: 98.76%
  • Banker: 85.56%

Tandaan na ito lamang ay ang kadalasang RTP ng laro at maaring magbago depende sa platform.

May side bet din ba ang Mini Baccarat?

Ang mini baccarat ay may side bet at narito ang iba’t-ibang side bet kaakibat ng kanilang mga rules:

  • Dragon Bets
    • Ito ay ang margin ng panalo sa gitna ng Player at Banker. Dumedepende ang side bet na ito sa gaano kalaki ang pagitan sa dalawa.
  • Pairs Bet
    • Para ma-activate ito, kailangang ang Player o Banker ay nabigyan ng pares sa unang dalawang baraha.
  • Big and Small
    • Sa side bet na ito, maglalagay ng pusta ang manlalaro kung ang total na mga baraha ay “big” (5 or 6) o “small” (4).
  • Lucky 6 o 8
    • Ito naman ay isang klase ng side bet kung saan maglalagay ng pusta ang player kung magkakaroon ba ang Banker ng total na puntos na 6 o 8.
  • Natural Win
    • Maglalagay ng pusta na mananalo ang Player o Banker sa pamamagitan ng pagkakaroon ng inisyal na baraha na may total na 8 o 9.
  • Perfect Pair
    • Kagaya ng Pairs na side bet, ito naman ay ang pagkakaroon ng pares na may parehong ranggo at suit. Dedepende pa rin ang payout kung gaaano kataas ang pares na nabuo.

May mini baccarat ba na libre online?

Oo naman. Ang mga online casino tulad ng OKBet ay may mga trial version ng mini baccarat kung saan p’wedeng subukan ng kahit na sino ang nasabing laro ng hindi kinakailangang maglabas ng kahit na anong halaga.

May strategy ba para manalo sa larong ito?

Katulad ng ibang laro sa casino, kinakailangan din ng mga strategy upang magkaroon ng konkretong plano paano manalo sa mini baccarat online. May mga inihanda kaming guide at tips para sa paglalaro, basta’t…


Mag-register na!

Scroll to Top