Ano ang Ipinagkaiba ng Bingo Live Online sa E-Bingo?
September 24, 2023 by TJ Gacura

S
a katunayan, magkaiba ang live bingo online at e-bingo, kahit na pareho sila na electronic bingo. Marami ang nalilito sa dalawang format na ito, kaya naman bibigyan namin ng kalinawan ang kalituhan na ito dito sa blog post na ‘to.
Pero bago natin pag-usapan ang pagkakaiba ng dalawa, ang live bingo at e-bingo ay parehong online casino game na sumusunod sa alituntunin ng tradisyunal na laro. Basically, kapag natawag ang numero at mayroon ang bingo card ng player, mamarkahan nila ito (daub). Upang manalo, kailangang mauna makabuo ng pattern tulad ng straight line, horizontal line, letters, o blackout.
Pareho din silang nilalaro sa mga online gambling platform, pero ang pagkakaiba ng dalawa ay ang mga sumusunod:
Pagkakaiba ng Bingo Live at Online Bingo
Bagama’t parehong digital ang dalawang bingo format, nagkakaiba naman sila pagdating sa features at characteristics.
Live Interaction
Sa live bingo, mayroong real-time interaksyon sa pagitan ng bawat manlalaro. May mga pagkakataon din na maaring makipag-usap sa host ng laro. Mayroon ding online bingo caller na taga-announce ng mga numero, na tila ang mga manlalaro ay nasa isang tunay na bingo hall.
Ito rin ang isang aspeto kung bakit marami ang may gusto sa live bingo kumpara sa online bingo. Dahil sa elemento ng socialization, mas lamang ito sa electronic bingo, at mayroong immersive na hatid sa mga players.
Subalit, may ilan na nais lamang mapag-isa o maglaro ng solo. Ito naman ang bagay na maibibigay ng e-bingo dahil maaring makapaglaro ng payapa at makapag-focus sa laro kesa sa ingay ng mga kasabayang manlalaro.
Live Streaming
Sa live bingo,mahalaga ang live stream na teknolohiya dahil ito ang nagkokonekta sa mga manlalaro at sa laro.Gamit ito, makikita ng mga kalahok ang aktwal na pagbunot at pagtawag ng mga numero.
Samantala, ang e-bingo ay walang live streaming feature sapagkat ito ay isa lamang video game.
Chat Features
Sa feature na ito, pareho na mayroon ang live bingo at online bingo. Nagkakaiba lamang ang dalawa ng kaunti.
Ang live ay mayroong chat feature kung saan ang mga players ay p’wede ma-access ang chat rooms at makipag-usap sa iba pang manlalaro. Samantala naman, ang e-bingo ay may maari ring makipag-usap sa ibang manlalaro pero ito ay sa pamagitan ng world chat.
Availability ng mga Laro
Dahil umaasa sa live element ang online bingo para makapaghatid ng real money sa mga players, mayroon lamang itong schedules ng mga laro. Kung ating ikukumpara ito sa online verssion, hindi hamak na maaring maglaro anumang oras dahil 24/7 ang electronic bingo.
Variety ng mga laro
Sa live bingo, mayroon lamang limitadong bingo format, dahilan upang ang klase ng laro ay minsa’y hindi pasok sa panlasa ng manlalaro. Subalit sa kabilang banda, ang online bingo ay may kayang i-accommodate ang samu’t-saring formats gaya ng 80-Ball, 70-Ball, Pattern Bingo, at Speed Bingo, at makikita ang mga ito sa mga online casino platforms tulad ng OKBet.
Format
Sa kadahilanang live stream ang pangunahing ginagamit ng live bingo, kailangan ng mga aktwal na hosts at taga-bola upang maiparamdam sa mga manlalaro na sila ay tila para bang nasa isang bingo hall. Samantala, ang online bingo naman ay bumubunot ng mga bola gamit ang mga random number generators (RNGs).
Ngunit ang paggamit ng RNG ay hindi lamang para sa online bingo, sapagkat maari rin itong gamitin sa live bingo upang mapanatili ang fairness sa bawat laro.
Nabigyan na ba namin ng kalinawan ang pagkakaiba ng dalawa? Subukan na ang live bingo online, kasama ang iyong mga kaibigan. Pero kung gusto mo naman ng peace and quiet, maglaro ng online bingo. Basta tandaan na maging responsable at panatalihin ang pananaw na ang pagsusugal laro.