Ano ang Horse Racing Betting Game?

November 3, 2023 by TJ Gacura

OKBet Horse Racing Betting Game

A

ng horse racing betting game ay madalas na tinatawag na “Sport of Kings,” dahil ilang siglo na itong naghahatid ng aliw sa mga manonood dahil sa angkin nitong kombinasyon ng grace at power. Habang mayroong mga Triple Crown events gaya ng Kentucky Derby, Preakness Stakes, at Belmont Stakes na sobrang sikat, mayroong mga karera na nagaganap halos araw-araw saanmang panig ng mundo. Kaya naman ating pag-usapan ang nakaka-aliw na mundo ng horse racing, mula sa basics hanggang sa exotic.

Straight Wagers: Simpleng Takbo Patungo sa Pagpusta

Upang tumaya sa karera ng kabayo, ginagawa ito sa mga horse racing betting sites gaya ng OKBet. Ang klase ng sugal na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng pusta sa magiging resulta ng karera, kung sino ang mananalo, magkakaroon ng place, o show.

Ang pundasyon sa uri ng sugal na ito ay ang straight wagers. Ito ang klase ng pusta kung saan naka-focus lamang ang manunugal sa magiging performance ng isang kabayo sa isang partikular na karera.

Mayroon itong apat na klase:

Win

Itong klase ng pusta ay ang pagpili sa isang kabayo na siyang susungkit sa unang posisyon ng karera. Malaki ang panganib nito, pero malaki naman ang ibibigay na payout sa oras na tumama ang hula.

Place

Ito ay ang pagtaya sa isang kabayo na sa tingin mo ay makakakuha ng first o second place. Bagama’t mas mababa ang panalo sa pustahang ito, nababawasan naman ang tyansang matalo dahil may dalawang opsyon ang manlalaro.

Show

Palawakin ang tyansa na manalo sa paglalagay ng pusta sa isang kabayo na sa tingin mo ay magtatapos ng una, pangalawa, o pangatlong posisyon. Mataas ang porsyentong manalo, subalit mas mababa naman ang panalo rito.

Across the Board

Kung gusto mo ng kakaibang excitement, maaring maglagay ng pusta sa isang kabayo kung siya ba ay mapapabilang sa win, place, at show. Kapag ang napiling kabayo ay nanalo sa tatlo, makakatanggap ang manlalaro ng payout ayon sa tatlong pusta.

Exotic Wagers: Panganib para sa Gantimpala

Ito naman ay para sa mga gusto ng dagdag excitement sa bawat pusta nila. Ang mga susunod na klase ng pusta ang tunay na magde-determina kung paano ka manalo sa horse racing bets.

Exacta

Hulaan ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga kabayo na makakakuha ng una at ikalawang pwesto, o kaya naman ay piliin ang box, kung saan hindi mahalaga nag tamang pagkakasunod pero may kamahalaan ang pusta para sa karagdagang kombinasyon.

Trifecta

Pataasin ang challenge gamit ang pustang ito. Sa trifecta na klase ng exotic horse racing bets, kinakailangang pumili ng kumbinasyon ng mga kabayo na makakakuha ng top three sa karera. Kapag mas maraming kumbinasyon, mas mataas ang panganib, pero malaki rin ang potensyal na payout.

Superfecta

Kung nais subukan ang high-stakes na mundo ng horse racing, superfecta ang isang paraan upang magawa ito. Dito, kailangang mahulaan ang top four finishers ng isang karera. Maging maingat dito sapagkat kumplikado itong pustahan.

Daily Double

Hulaan ang magwawagi sa dalawang magkasunod na karera. Kinakailangan dito ng tamang prediksyon sa magkaparehong laban para manalo.

Quinella

Kagaya ng exacta, ang quinella ay kailangang mahulaan ang una at ikalawang kabayong mananalo sa isang karera. Ang kaibahan lamang nito ay hindi mahihirapan ang manlalaro na hulaan ang tamang kombinasyon kapalit ng mas mababang halaga ng panalo.

Pick 3, 4, 5, 6

Para itong parlay, kung saan layunin ng manlalaro na mahulaan ang magwawagi ng iba’t-ibang mga karera. Habang dumadami ang kabayo na pinipili, tumataas din ang pusta para naman sa mas malaking payout.

Paano Manalo ang mga Bets sa Horse Racing: Decoding

Mahalagang maunawaan ng isang mananaya ang importansya ng horse race betting odds. Ito ay parang dine-decipher ang odds gamit ang numerical code. Ang pinaka-karinawang klase ay ang fractional odds, kung saan ang pagkaka-ayos ng mga numero ang siyang basehan para sa payout na hatid ng mga online bookmaker.

  • Kapag malaki ang numero na hinahati ng mas maliit na numero, ang odds ay malaki ang katumbas na payout.
  • Kapag mas maliit naman ang numero na hinahati ng isang malaking numero, mas mababa naman ang payout.
  • Para naman sa pari-mutuel betting, laging nagbabago ang odds upang masiguro na mayroong daynamiko at pabagu-bagong paglalagay ng pusta.

Ano ang Pari-mutuel Betting?

Ang pari-mutuel betting ay ang paglipon ng pera mula sa iba’t–ibang taya sa isang klase ng mga horse racing bets, at kanya naman itong ipapamahagi sa mga maswerteng mananalo matapos na ibawas ang ilang dapat bayaran pati tax. Dito, nagbabago ang odds habang parami nang parami ang mga taya, kaya naman mas lalong nagiging unpredictable ang laro.

Tips para Manalo

Bago magtapos ang guide na ito, ibabahagi namin sa inyo ang tatlong pinakamahalagang bagay na dapat niyong gawin sa horse racing betting game.

1. Sundan ang mga trend at subaybayan ang stats ng mga kabayo.

2. Maghanap ng pagbabago sa racetrack o kagamitan ng kabayo o handler.

3. Pangasiwaan ang bankroll upang hindi maubos agad ang pera sa mga padalos-dalos na mga desisyon.

Taya na? Tumaya na!

Masalimuot ang mundo ng horse racing betting game ‘di ba? Pero ito rin ang dahilan bakit marami ang bumabalik-balik sa sugal na ito. Kaya naman kung naghahanap ka ng platform na maaring paglagyan ng pusta sa karera ng mga kabayo, mag-register na sa ibaba!

Scroll to Top