Alin sa Iba’t-ibang Bingo Games ang Dapat mong Laruin?
May iba’t-ibang uri ng bingo games. Sa katotohanan, may sampung uri ng bingo na dapat mong malaman. Hindi lang ito basta simpleng laro na bubuo ka lang ng pattern at panalo ka na. Mayroon itong mga twist, at upang masubukan ang iba’t-ibang uri ng bingo, maaari bumisita sa mga online platform gaya ng OKBet lalo na’t may online bingo sa panahon ngayon.
Kaya ‘wag mo ng ipagsiksikan ang sarili sa tradisyunal nitong bersyon. Basahin na ang blog na ito nang iyong malaman ang ibang bingo games na iyong mae-enjoy.
Iba’t-Ibang Bingo Games na P’wedeng Laruin
Nasa ibaba ang pitong bingo games na iyong malalaro, at sisimulan natin ito sa…
90-Ball Bingo
Unahin na natin ang classic sa bingo games—ang 90-ball. Ito ang orihinal na variant ng laro, na naimbento noong ika-16th na siglo sa Italya. Madalas na ang tawag dito ay UK bingo, pero dahil sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng maraming pagbabago.
Ang tradisyunal na bingo ay may 90 na bola. Sa cards naman, may 15 na numero sa tatlong rows at siyam na column.
Upang manalo dito, kailangan makabuo alinman sa tatlong pattern; one line, two lines, at full house.
75-Ball Bingo
Itong uri ng bingo games ang tanyag sa America, maging sa Pilipinas. Dito mo madalas mababanggit ang katagang, “BINGO!”
Ang card nito ay 5×5 ang grid, at may “free” sa gitna. Kaya ito tinawag na 75-ball ay dahil ang mga numero ay bubunutin sa pool ng 75 random numbers. Upang manalo, ang mga mananaya ay kailangang bumuo ng kahit alin sa mga pattern na ito:
- Lines
- Diagonals
- Shapes
- Blackout (o ang pagpuno ng buong card)
30-Ball Bingo
Kung ang nais mo ay mabilisang laro, ang 30-ball bingo o “speed bingo” ang bagay sa iyo. Ito ang isa sa pinakamabilis na uri ng bingo games. Mayroon lamang itong 3×3 na grid at may siyam na numero. Mabilis ding inaanunsyo ang mga numero na nagpapaigsi sa haba ng bawat bingo round.
80-Ball Bingo
Ito ang pagitan ng 75-ball at 90-ball bingo, at nilalaro sa isang 4×4 grid at may 16 na numero. Mayroon itong iba’t-ibang patterns na kailangang mabuo gaya ng;
- Line – ang pinakasimpleng pattern na p’wedeng mabuo sa tradisyunal o online bingo man. Kinakailangan lamang na makumpleto ang horizontal, vertical, o diagonal na linya ng card.
- Apat na Corners – kailangang mamarkahan ang apat na numero sa corner ng bingo card.
- Diamond – markahan ang mga numero na kinakailangan upang makabuo ng isang diamond na shape,
- Center Cross – kumpletuhin ang hanay ng mga numero (parehong vertical at horizontal) sa gitna ng bingo card upang makabuo ng isang cross.
- Layer Cake – dapat mamarkahan ang buong itaas at ibaba, kasama na ang kaliwa’t kanan na column.
- Postage Stamp – Apat na numero ang kailangang mamarkahan na bumubuo ng isang square.
- Double Line – kailangang makabuo ng dalawang linya para sa pattern na ito. Maaring horizontal o vertical.
- Full House – lahat ng numero sa bingo card ay namarkahan.
Pattern Bingo
Kung ang nais mo ay may challenge, itong uri ng bingo games ang swak sa iyo. Upang manalo sa pattern bingo, kinakailangang mabuo sa iyong card ang pattern na hinihingi ng announcer. Maaring simpleng mga shape ito, o di kaya naman ay mga kumplikadong design.
Letter Bingo
Kagaya ng pattern bingo, humihingi ang letter bingo na makumpleto ng manlalaro ang isang specific na letra. P’wede itong maging letrang H, o di kaya’y X, o kaya naman ay T.
Progressive Jackpot Bingo
Ito ang may pinakamalaking premyo sa lahat ng bingo games. Dito, mayroong tinatawag na “progressive jackpot,” kung saan palaki nang palaki ang premyo habang walang nagwawagi. Upang mapanalunan ang jackpot prize, kailangang makumpleto ng player ang nakatakdang pattern o shape sa loob ng nakatakdang bilang ng bolang natawag.
Konklusyon
Maraming uri ng bingo games. Pero kung susumahin, dedepende sa nais na laruin.
Kung sa mabilisan, mainam na piliin ang 30-ball o 75-ball. Hindi man kalakihan ang iyong panalo, mabilis naman ang bawat laro.
Kapag malakihang panalo, ang progressive jackpot bingo at pattern bingo ang dapat laruin. Sa jackpot, lumalaki ang papremyo hangga’t hindi nakukuha ang shape na hinihingi. Ang pattern naman ay mayroong prize structure na kaakibat ng mga shapes at patterns na hinihingi.
Ang bingo rin ay mayroong house edge, at sa mga nabanggit, ang 90-ball ang may pinakamababang house edge. Isa sa dahilan bakit mas madaling manalo dito kumpara sa ibang uri ng bingo games ay dahil may tatlong paraan upang manalo. Subalit, dapat ding malaman na ang variant na ito ang may pinakamahabang oras upang manalo lalo’t mayroong tatlong klase ng paraan upang magwagi.
Ngayong nakapagbigay na kami ng aming ekspertong konklusyon, subukan ng maglaro ng bingo at manalo!