Alamin sa Sabong Derby Online: Iba’t-ibang Panabong
October 23, 2023 by Macky Escasinas
S
a sabong derby online, kailangan pa rin ng mga manlalaro na alamin ang mga klase ng panabong na magbibigay sa kanila ng mataas na tyansang manalo. Kung gusto mong manalo sa susunod mong taya, oras na para basahin mo ang mga klase ng panabong na kapag nakita mo ay magbibigay sa iyo ng pinakamataas na tyansang manalo.
Bakit Mahalaga ang Breed sa Sabong Games Online?
Malaking bagay ang lahi ng mga panabong dahil sa tatlong rason:
Performance
Ang performance ng isang panabong ay depende sa kanilang lahi. Ang klase ng tandang ay naiimpluwensyahan ang kanilang abilidad sa pakikipaglaban. May mga breed na kilala dahil sa kanilang bilis, lakas, endurance, at ang mga mananabong ay pumipili ng mga manok na may ganitong katangian sapagkat ito ang magbibigay ng mas mataas na tyansang manalo sa laban.
Betting
Ang mga tumataya sa online sabong na laro ay madalas tinitignan ang lahi ng mga maglalabang manok. Bukod dito, nakaka-apekto din ang kanilang breed pagdating sa betting odds ng mga online casino na may e-sabong. Kasing-importante ito ng mga manok na may mga win streak.
Training at Kondisyon
May impact din ang breed ng isang panabong pagdating sa pagsasanay nito at sa kondisyon nito para sa nalalapit nitong laban. Kapag maganda ang lahi, mas madali para sa mga trainors na gumawa ng training program upang hasain ang talento ng naturang panabong, at patibayin ang depensa ng manok.
Mga Klase ng Tandang na Ginagamit sa Sabong Derby Online
Narito na ang panabong na madalas nakikita sa mga sabungan:
Kelso
Ito ang klasikong breed ng mga panabong. Ito ay mula sa Estadons Unidos, at may kalakihang tandang. Ang Kelso ay mayroon ding mahabang katawan, sakto sa kanyang ugali na agresibo at malakas.
Shamo
Nagmula sa Thailand, ang Shamo ay sikat sa Japan kung saan mas lalong pinaigting ang development ng nasabing tandang.
Kilala ang panabong na ito dahil sa ugali nito kung saan may matindi itong galit o pagkamuhi sa ibang mga manok. Ang ugaling ito ang isang dahilan bakit maraming breeder ang nag-aalaga nito.
Ang kagandahan sa tandang na ito ay sobra nitong agresibo ngunit napakadaling i-train, basta’t hindi sila nakakulong.
Pagdating naman sa itsura, ang Shamo ay may deretsong postura at mayroong heavily-boned na mga balikat, matingkad na pulang earlobes, dilaw na tuka, at magandang kalamnan. Mayroon din itong maitim ngunit maigsing balahibo, korteng peras na combs, at kulay-peras na mga mata.
Hatch Twist
Isa itong klase ng Hatch, pero ang kaibahan nito ay may mataas itong resistensya at napakatalino. Mayroon itong puti o dilaw na balahibo at berdeng mga paa. Malaki ang katawan nito na siyang ginagamit para takutin ang kalaban nito. Kilala rin ito bilang napaka-determinadong panabong at magandang sparring partner dahil wala itong problema sa ibang lahi ng mga tandang.
Peruvian
Ito ang isa sa mga pinaka-mahal na tandang sa mundo lalo na’t isa ito sa pinakamatandang lahi ng mga panabong sa kasaysayan.
Bukod dito, ang mga Peruvian ay tinagurian ding isa sa pinakamagaling na panabong sa buong mundo, at talagang pinalahian upang ipanlaban at para sa exhibition.
American Game
Ang American Game ay talagang nilikha para maging panabong, pero masarap din ito bilang ulam. Mayroon itong mahabang katawan at katamtamang-haba ng buntot.
Subalit ang sabong ay iligal sa Amerika, kaya naman nakarating ito sa iba’t-ibang bansa, gaya ng Pilipinas. Popular ito sa bansa lalo na at ipinapakita nito ang kagustuhang lumaban hanggang sa huling hininga nito.
Malay
Ito na ang pinaka-agresibong panabong. Bukod dito, ang Malay na lahi ang tinaguriang ‘pinakamtangkad na tandang sa mundo’ sa tikas nitong nasa 30 pulgada.
Asil
Ang mga Asi ang isa sa pinaka-agresibong panabong sa mundo. Mayroon silang matinding lakas at talentado pagdating sa pakikipaglaban. Pero kahit na ito ay palaban na manok, matalino ito at maamo sa mga tao.
Old English Game
Ang klase ng manok na ito ay dinevelop nong ika-19 na siglo. Ito ang isa sa mga pinakamatandang lahi ng tandang pagdating sa sabong. Kahit na maliit, agresibo ang Old English Game.
Ano Pa ang Hinihintay Mo?
Gusto mo bang matunghayan ang mga klase ng panabong na madalas makita sa sabong derby online? Manood na ng online sabong sa mga sabong online betting sites!
Tandaan lamang na ang e-sabong sa Pilipinas ay kasalukuyang ipinagbabawal. Kaya habang naghihintay ka na tanggalin ang suspensyon sa sugal na ito, gumawa ka muna ng account sa legal na online casino na ito: