Alamin Paano ‘Mandaya’ sa Online Blackjack
October 16, 2023 by Macky Escasinas
N
ahihirapan ka ba na maghanap ng paraan para manalo kaya kailangan mong alamin paano ‘mandaya’ sa online blackjack? Nasa tamang lugar ka kaibigan sapagkat aming ibabahagi sa iyo ang mga ilang paraan upang mapataas kahit paano ang iyong tyansa na manalo sa online blackjack.
Pero tandaan na ang mga ibabahagi namin sa inyo ay may kaakibat na panganib, kaya magdalawang-isip bago gamitin ang mga ito. Hindi rin maganda na mandaya upang manalo dahil inaalis nito ang thrill at excitement ng pagsusugal.
Mahirap din na ikaw ay gumamit ng hindi makatarungang paraan para manalo. Kaya naman itong mga ibabahagi namin ay magsilbi lamang na edukasyonal. Narito na ang ilang kontrobersyal na paraan na maaring ‘pandaraya’ sa larong online blackjack.
Paano Mandaya sa Online Blackjack: Card Counting, at iba pa
Ang card counting ay isang uri ng teknik sa blackjack. Hindi ito iligal, pero hindi rin ito magandang gamitin ng mga manlalaro.
Bakit?
Sapagkat ang card counting ay isang ‘legal’ na paraan paano mandaya sa online blackjack. Ito ay sa pamamagitan ng matematika para makalamang. Kapag may accurate na prediksyon sila sa mga susunod na baraha, maari nilang taasan o babaan ang kanilang taya.
Saan ito magagamit?
Itong teknik ay hindi gumagana sa online blackjack. Ang mga online card games kasi ay gumagamit ng random number generator (RNG) na software. Ibig nitong sabihin, walang matematika ang makakatukoy sa susunod na baraha ng dealer. Subalit, maari naman itong magamit sa live blackjack at sa paglalaro sa mga pisikal na casino.
Blackjack Surrender
Ang blackjack surrender ay isang istratehiya na ginagamit ng mga manlalaro upang ipatalo ang kalahati ng kanilang pusta lalo na kapag alam nilang sila’y matatalo. Pero dahil inaabuso ito, nasisira nito ang paglalaro ng ibang manlalaro.
Sa katunayan, napakaganda sana nitong paraan upang ang iyong online blackjack na pusta ay hindi tuluyang maubos. Huwag lang dapat abusuhin.
Saan ito magagamit?
Maari itong gamitin sa land-based casino, online casinos at live blackjack basta’t pinahihintulutan ng platform.
Card-Marking
Ito ang pinakakilalang paraan upang makapandaya sa blackjack. Sa pagmarka ng mga baraha, makikita ng mandaraya ang mga baraha ng dealer. Ito rin ang magdidikta ng magiging istratehiya at paraan ng paglalaro. Dahil nawala na ang essence ng pagiging unpredictable, nasisira nito ang laro.
Saan ito magagamit?
Walang paraan upang mamarkahan ng isang manlalaro ang kanyang baraha sa mga online casino gaya ng OKBet. Hindi kasi nila mahahawakan ang kanilang baraha. Ganoon din sa live blackjack. Kaya naman ang paraang ito ay gumagana lamang sa mga pisikal na sugalan.
Cheating Software
Ito ang isang mabigat na kalaban ng mga gambling platform—mga cheating software. Gamit ang mga ito, matutukoy ng mga mandaraya ang nakatagong baraha ng dealer. Pero ito ay sobrang delikado na maaring magresulta sa pagka-ban sa mga gambling platform.
Past Posting
Ang istratehiyang ito ay isang pandaraya na kinakailangan ng bilis, at swerte. Sa past posting, binabago mo ang iyong taya pagkatapos na malaman ang resulta ng round. Masyado itong delikado dahil maraming kailangang mapaniwala—ang dealer, ang pit bot, pati na ang buong casino.
Saan ito magagamit?
Hindi ito ginagamit sa online blackjack pero ito ay maaring gamitin sa mga pisikal na casino.
Pero bakit Kailangan pa Mandaya?
Hindi mo kailangang mandaya sa online blackjack. Sa katunayan, napakasimple ng larong ito at hindi kinakailangan ng mga kumplikadong istratehiya upang manalo.
Sa pagsusugal, hindi maiiwasang magkaroon ng panganib. Lalo mo lang nilalagay sa panganib ang iyong sarili kapag nandaya ka pa.
Mas mabuti pa na maglaro ka na lamang sa mga platform na may mababang house edge para siguradong hindi ka uuwing luhaan at talunan. Magpa-rehistro ka na lang sa online casino sa ibaba at maglaro!