Alamin Paano Maglaro ng Blackjack

August 22, 2023 by Macky Escasinas

Alamin Paano Maglaro ng Blackjack | OKBet

Simple lang paano maglaro ng blackjack. Isa ito sa mga pinakasikat na laro sa mga casino magpasa-hanggang ngayon. Pero kung nangangamba ka na kumplikado ito, ay nagkakamali ka. Madali lamang matutunan itong laro kahit na ikaw ay baguhan pa lang. Kaya kung nais mong malaman paano maglaro ng blackjack, basahin mo na ang blog na ito!

Paano Maglaro ng Blackjack?

Ang Blackjack ay isang simpleng laro na kung saan ang layunin ay talunin ang dealer. Kinakailangan mong magkaroon ng isang set ng baraha na may halagang malapit o eksakto sa 21.

Sa laro ng Blackjack, ang jack, queen, at king ay nagtataglay ng halagang 10. Ang ace naman ay maaaring 1 o 11, depende sa kung alin ang mas nakabubuti sa manlalaro.

Ang laro ay nagsisimula sa pamamagitan ng pagbabahagi ng dalawang baraha sa bawat manlalaro at sa dealer. Ipapakita ng dealer ang mga baraha, ngunit isa lamang sa mga ito ang nakaharap.

Bawat manlalaro ay kailangang magdesisyon kung magdadagdag (hit) pa ng baraha o hindi na (stand). Kapag nakapagpasya, doon lang ipapakita ang nakataob na baraha ng dealer.

Mga Basic na Patakaran ng Blackjack

Narito ang palatuntunan paano maglaro ng blackjack:

Hit

Sa blackjack, kapag sinabi mong “hit,” ibig sabihin ay nais mong magdagdag ng baraha. Puwede kang magpatuloy sa pag-hit hanggang sa sumapit ka sa halagang 21 o ikaw ay sumobra (busted).

Stand

Kapag sinabi mong “stand,” ibig sabihin ay mananatili ka sa kasalukuyang kamay. Hindi mo na hahawakan ang karagdagang baraha. Ngayon, susubukan mo ng talunin ang dealer gamit ang kung anumang halaga mayroon ang iyong kamay.

Double Down

Ang pag-double down ay nangangahulugan na dodoblehin mo ang iyong pusta. Tatanggap kla lamang dito ng isang karagdagang baraha.

Split

Ang pag-split ay isang pagkakataon na hatiin ang iyong mga baraha sa dalawang magkahiwalay na kamay. Ito ay ginagawa kapag mayroon kang parehong mga karta na may parehong halaga.

Busted

Kapag ang halaga ng iyong mga kamay ay sumobra sa 21, ito ay tinatawag na “busted.” Kapag busted ka na, ikaw ay agad na tatanghaling talo, kasama ng iyong pusta.

Mga Istrategy sa Blackjack

Narito ang ilang mga istrategy na maaari mong gamitin upang mapataas ang iyong pagkakataon na manalo sa laro.

Sundin ang Basic Strategy

Ang Basic Strategy sa Blackjack ay isang sistema na gumagamit ng statistics at probability pra matukoy ang tamang hakbang.

Ito ay isang mahusay na paraan para sa mga baguhan upang matuto kailan dapat mag-hit, mag-stand, mag-double down, o mag-split. Sa pagsunod dito, malaki ang tyansa na mapataas ang iyong posisyon laban sa dealer.

Mag-praktis sa Online at Libre

Bago ka sumabak sa tunay na casino, magandang mag-praktis muna. Maraming mga online casino gaya ng OKBet ang nag-aalok ng libreng Blackjack. Sa pamamagitan nito, maaari kang mag-ensayo upang mapataas ang iyong tyansang manalo.

Tantyahin ang Iyong Kamay

Kapag nakakakuha ka ng isang magandang kamay, gaya ng isang halaga na malapit sa 21, oras na ito upang mag-double down. Ang ganitong posisyon ay ginagawa upang manalo ng mas malaki kapag may mataas kang baraha.

FAQs

Ano ang ibig sabihin ng Blackjack?

Ang Blackjack ay isang laro ng casino kung saan ang layunin ay talunin ang dealer sa pamamagitan ng pagkuha ng isang kamay na may halagang malapit o eksakto sa 21.

Paano matutunan ng mabilis ang Blackjack?

Ang pinakamahusay na paraan upang mabilis na matutunan ang Blackjack ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga gabay at pagsasanay ng mga libreng laro online.

Mayroon bang mga istrategy sa Blackjack?

Oo, mayroong mga istrategy sa Blackjack na maaari mong gamitin upang mapabuti ang iyong pagkakataon na manalo. Isang halimbawa nito ay ang batayang estratehiya.

Kailangan ba ng espesyal na kasanayan upang manalo sa Blackjack?

Hindi kailangan ng espesyal na kasanayan upang manalo sa Blackjack. Mahalaga lamang na sundin ang mga patakaran at istrategy ng laro.


Mag-register para Makapaglaro ng Libre!

Scroll to Top