ALAMIN ang mga Klase ng Horse Racing Bets Dito
November 17, 2023 by TJ Gacura

L
ingid sa kaalaman ng mananaya, maraming klase ng horse racing bets lalo na dito sa Pilipinas. Ang karera ng kabayo ay isang popular na klase ng pustahan at ang industriya ay malaki ang inia-ambag sa ekonomiya (P1.3 bilyon noong nakaraang dekada).
Isang malaking dahilan bakit marami ang naantig sa karera ng kabayo ay dahil sa saya, excitement, at kaba na hatid nito. Halo-halo ang emosyon sa larong ito, dahilan upang magkaroon na rin ang mga online sports betting platform tulad ng OKBet na mag-alok ng horse racing.
Ngayon, hindi lang ito sa paswertehan sa pagpili ng kabayo na may magandang pangalan. Sa katunayan, mas kumplikado ito dahil may kinakailangang mga istratehiya, pati na rin kaalaman sa iba’t-ibang klase ng horse racing bets.
Kailangan mo itong malaman, at narito ang guide para magawa ito.
Pangunahing Klase ng Horse Racing Bets sa Pilipinas
Maraming klase ng horse racing bets sa Pilipinas. Simula sa pinakasimple hanggang sa pinaka-kumplikado. Subalit, sa mga top horse racing betting sites, iilan lamang ang madalas at karaniwang tinatayaan ng mga manlalaro. Ito ay ang mga sumusunod:
Win Bet
Ito ang pinakasimpleng klase ng online horse racing betting sa Pilipinas kung saan ang mga mananaya ay pumipili ng kabayo na sa tingin nila ay magwawagi sa karera. Kailangan lamang nilang sundan ang napili sa kabuuan ng karera upang masimulan ang ‘carry on’ o ‘celebration’ sa sandaling sigurado silang nasa unang posisyon ang pinustahang kabayo.
Each-Way
Sa klase ng horse race bet na ito, ang mga punters ay maglalagay magkaparehong pusta sa kabayo na sa tingin nila ay mananalo ng una at ikalawang pwesto (home at place). Kapag tama ang napili, makukuha ng mananaya ang porsyento base sa Win at Place. Sa kabilang banda, kapag ang kabayong napili ay nanalo ng ikalawa o ikatlong pwesto, makukuha lamang ang porsyento ng Place.
Place Only
Isa ulit itong sikat na horse racing betting type dahil kailangan lamang mamili ng kabayo na magtatapos ng una, ikalawa, o ikatlong pwesto. Mayroong mahigit sa walong kabayo sa isang karera na maaring makakuha ng third place.
Handicap
Sa tayaan nito, ang bawat kabayo ay may bigat na tinatawag bilang, “Impost.” Ito ay ‘ipinapatong’ sa ng bookmaker base sa mga bagay-bagay gaya ng nakaraang performance, jockey, at trainer. Ang layunin nito ay upang mabalanse ang mga tyansa ng mga mananaya.
Exacta
Ito naman ay isang kumplikadong klase ng taya kung saan layunin ng mananaya na mahulaan sa tamang pagkakasunud-sunod kung anong mga kabayo ang magtatapos ng first at second na pwesto.
Trifecta
Isa rin itong kumplikadong taya kung saan kailangang mahulaan ng manunugal ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga kabayo na mananalo ng una, ikalawa, at ikatlong pwesto. Malaki ang payout nito, subalit mataas din at panganib na kaakibat.
Paano Manalo sa Horse Racing Bets
Simple lamang ang dapat tandaan kung paano manalo sa horse racing bets, at ito ay:
- Pangasiwaan ang bank roll ng maayos
- Magsaliksik at magtiwala sa sariling analysis sa posibleng maging kalabasan ng karera.
- Siguraduhing panoorin ang mga nakaraang karera ng mga kabayo upang matukoy sino ang may pinakamataas ang tyansang manalo.
- Maging responsable lalo na sa pagtaya.
Mga Malalaking Karera sa Pilipinas
Narito naman ang mga karera na hindi dapat palagpasin ng mga mananaya:
- San Lazaro Leisure Park and Track
- Malvar
- Batangas Racetrack
- Santa Ana Park
Konklusyon
Hindi naman kailangang alamin ang lahat ng klase ng taya pagdating sa horse racing. Ang mahalaga ay may mga opsyon kung saan kumportable ang mananaya na isugal ang kanyang pinaghirapang salapi. Handa ka na bang simulang ang iyong paglalakbay sa horse race betting online? Mag-register na sa ibaba!