5 NBA Sports Betting Strategy para Manalo

September 28, 2023 by TJ Gacura

OKBet NBA Sports Betting Strategy

P

ara maging matagumpay sa NBA sports betting, kailangang may strategy ka para manalo. Pero paano? Iyan ang katanungan na aming sasagutin sa pamamagitan ng blog post na ito!

Narito ang limang subok ng istratehiya mula sa mga nangungunang eksperto sa pagbibigay ng sports betting advice:

Underdog Moneyline Strategy

Para sa mga baguhan at nagsisimula pa lang na magbasa-basa ng mga sports betting blog, ang pinakamadaling istratehiyang gamitin ay ang pinakasimple pagtaya sa underdog moneyline.

Alam naman natin na sports betting term na moneyline ang pinakasimpleng opsyon sa pagtaya, kung saan maglalagay lamang ng pusta sa favorite o underdog sa laban. Madalas na ang favorite ang laging tinatayaan ng karamihan, subalit isang istratehiya na napatunayan na ng maraming expert bettor ay ang underdog moneyline.

Dito, imbes na sa favorite pumusta, ay sa underdog. Kung tutuusin, malaki ang tyansa na matalo sa tayang ito, subalit ikaw ay nagkakamali kung ito ang iyong naiisip. Sapagkat sa pamamagitan ng paghahanap ng mga dikit na laban, mas mataas ang tyansa mo na manalo kapag tumaya sa mga underdog.

Ito yung tinatawag na ‘upset’ matches, kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon, ay natalo ang paboritong koponan. Pero hindi sa lahat ng oras ay laging pupusta sa mga underdog. Ginagamit lamang ito sa mga intense na laban.

Ang Heavy Home Underdogs Strategy

Sa isang laro ng basketball, kahit na sabihing nasa home court advantage ang isang koponan ay sila na ang paborito. May mga pagkakataon kung saan ang home team ang dehado at considered na underdog, at ito ang dapat mong bigyan ng atensyon.

Ang dahilan sa ganitong pag-iisip ay dahil mas gugustuhin ng underdog team na manalo sa kanilang sariling court kung ikukumpara natin sa favorite team.

‘Unfavorite’ Betting Strategy

Hindi maiiwasan na ang isang manunugal ay laging piliin ang kanilang paboritong koponan kesa tignan ang odds ng laban. Subalit sa pagsusugal sa mga online sports betting platform gaya ng OKBet, ang paggamit ng emosyon imbes lohika ang kadalasang dahilan ng pagkatalo sa mga taya.

Kaya suriing mabuti ang isang laban at iwasang maging bias dahil pumusta ka para manalo, hindi upang asahang mananalo ang iyong napupusuang koponan. Maiintindihan namin kung hindi niyo papakinggan ang mungkahi namin, pero maganda ring pakinggan ang mga analyst na gumagawa ng mga sports betting prediction at tignan kung dapat ba munang pumusta sa kabila.

Big Losses Strategy

Tunay na maraming mga NBA sports betting strategy ang nagkalat sa internet. Subalit maraming gambling enthusiast ang maglagay ng pusta sa mga pangunahing favorite team na nakaranas ng isang malaking pagkatalo. Ginagawa nila ito hindi dahil umaasang malakas ang koponan nila at bihira lang itong matalo, kundi dahil naniniwala sila na handa itong bumawi sa pagkatalo. Ang isang heavy favorite ay hindi papayag na mapahiya sa kanilang fan base kapag nagkaroon sila ng two-game lose streak.

Fatigue-Checking Strategy

Ang isang NBA season ay may 82 games, at hindi ito biro para sa mga NBA players. May mga pagkakataong ang isang koponan ay maglalaro ng dalawa o tatlong sunud-sunod na laro, na makakaapekto sa kanilang performance.

Subaybayan ang mga schedule ng mga koponan at tignan kung alin sa mga ito ang may sunud-sunod na laban, at tayaan ang kanilang magiging katunggali. Sa istratehiyang ito, mataas ang tyansa na magwagi ang pusta sa kabilang koponan lalo na kung may pahinga ito kumpara sa over-worked na team.

Konklusyon

Ang mga NBA sports betting strategy na ito ay sinubok na ng mga beteranong mananaya. Subalit, maganda pa ring ilagay sa isipan na ang mga ito ay hindi garantisadong makakapagbigay ng resulta na papabor sa isang manunugal. Kaya maging maingat pa rin sa paglalagay ng pusta at maging responsable dahil ang pagsusugal ay mananatiling isang game of chance maging ano pa iyan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top