10 Importanteng Horse Racing Betting Tips para Manalo

November 21, 2023 by TJ Gacura

OKBet Horse Racing Betting Tips

P

ara mapataas ang tyansang manalo sa karera ng kabayo, mahalaga na alam mo ang sampung importanteng horse racing betting tips. Aming ibibigay sa inyo ang sikreto ng mga matagumpay na mananaya, lalo na at alam ng lahat na ang pagsusugal sa kabayo ay hindi inaasa sa swerte—kailangang gumamit din ng istratehiya.

Ngayon, napag-alaman namin itong sampung bagay na palaging isinasaisip ng mga mananaya sa horse racing. Pero bago natin simulan ang mga tips…

Paano Tumaya sa Horse Racing?

May tatlong paraan upang tumaya sa karera ng kabayo dito sa Pilipinas: online sportsbooks, land-based sportsbooks, at siyempre, sa racetrack.

Online Sportsbook

Sa mga online betting platforms tulad ng OKBet, ang pagtaya ay mas madali na lalo at available ito, 24/7. Para tumaya sa horse racing, kumpletuhin ang iyong bet slip na naglalaman ng horse number, klase ng taya, race number, at halaga ng pusta. Magagawa ito sa mga platforms na mayroon kang account, at kung wala pa, maaring mag-register sa ibaba.

Land-based Sportsbook

Ang pagtaya sa mga land-based sportsbook ay kagaya ng online betting ng horse racing sa Pilipinas. Sa pagpusta sa isang pisikal na bookmaker, kailangang mailagay ang bet slip bago magsimula ang karera, maliban na lang kung live betting ang pinustahan.

May pagkakaiba rin ang online at land-based, at iyon ay may oras na sinusunod sa mga land-based horse racing betting platform. Subalit, sa dalawang opsyon na ito, parehong nangangailangan na may account ang player.

Racetrack

Mayroon ding ilan na mas gustong nasa aktwal na racetrack maglagay ng pusta upang mapanood ng live ang karera. Sa opsyon na ito, kailangang maglagay ng taya sa isang wagering terminal o cashier’s counter. Hindi kailangan ng account dito at ang proseso ay simple dahil kukumpletuhin lang ang bet slip at bayaran ito sa cashier o teller.

Paano Manalo ang Iyong Horse Racing Bets?

Upang manalo ang iyong horse racing bets, kailangan lamang sunding itong betting tips:

1. Pag-aralan ang form

Bago simulang maglagay ng pusta, pag-aralan muna ang mga nakaraang performance ng mga kabayo. Tandaan na ang mga huli nitong laban ang iyong sukatan ng kanyang kasalukuyang form at fitness. Ang nakaraang record nila ang magbibigay sa iyo ng ideya kung paano manalo ang iyong horse racing bets.

2. Unawain ang track

Hindi lahat ng kabayo ay pantay-pantay lalo na pagdating sa mga track. May ilan na mabilis sa turf, habang ang iba naman ay gusto ang solidong dirt track. Kaya magandang malaman ang kondisyon ng track para magkaroon ng impormadong taya. Tignan base sa nakaraang performance ng isang kabayo kung saan ito pinakamabilis.

3. Tignan ang jockey at trainer

Ang jokey at trainer ay may ginagampanang napaka-importanteng role sa tagumpay ng kabayo. Kaya mainam na imbestigahan ang records nila at pumili ng mga kabayo na may karanasan at matagumpay ang kanilang koneksyon. Ang isang talentadong jockey at kilalang trainer ay may kakayahang pataasin ang performance ng kabayo, na magiging karapat-dapat na piliin para tayaan.

4. Tignan ang odds

Maganda ring maunawaan ang odds sa mundo ng horse racing betting. Dapat may kaalaman sa iba’t-ibang klase ng horse racing bets at ang kaakibat nilang odds at payout. Ang odds mula sa mga bookmaker naman ang magbibigay ng insight kung gaano kataas ang tyansang manalo ang isang kabayo. Maganda ring i-explore ang value betting, o ang pag-identify sa instances kung saan ang mga odds ay maganda kesa sa aktwal na tyansang manalo ang kabayo. Ang strategic na approach na ito ay profitable ang magiging resulta sa katagalan.

5. Kondisyon ng panahon

Huwag ring kalimutang tignan ang kondisyon ng kapanahunan dahil mayroon itong impact sa karera. Ang ibang mga kabayo ay maganda ang performance sa isang partikular na panahon, kahit na umulan man o umaraw. Laging tignan ang weather forecast bago maglagay ng pusta para matignan ang potensyal na makakaapekto sa performance ng mga kabayo.

6. Isaalang-alang ang distansya

Ang distansya ng karera ay mayroong kritikal na epekto sa horse bet. Isang mahalagang horse racing betting tips ay tignan ang mga kabayo na nakakapag-perform ng mahusay sa partikular na distansya habang ang iba ay nahihirapan. Pag-aralan ang nakaraang performance ng kabayo sa kaparehong haba ng racetrack upang mahulaan kung alin ang may pinakamataas na tyansang manalo sa karera.

7. Maging mapag-matyag sa pattern

Ang mga pattern ay maaring maging kakampi ng kabayo na nilagyan mo ng pusta. Obserbahan ang running style ng kabayo at performance trends. May ibang kabayo na may pattern na makakatulong naman sa iyo upang mahulaan ang behavior at tagumpay nito sa karera. Kapag na-recognize ang pattern na ito ay makakapagbigay ng edge sa iyo bilang mananaya.

8. Sundan ang class

Ang mga kabayo ay nakikipagkarera depende sa kanilang class level, at ang pagbabago ng class ay may malaking impact sa kanilang performance. Isaalang-alang ang nakaraang performance ng kabayo sa isang partikular na class bago pumusta. Ang pag-unawa sa kung paano matagumpay ang isang kabayo kontra sa kaparehang class ay isang mahalagang bagay pagdating sa paggawa ng tamang pagtaya.

9. Pamahalaan ang bankroll

Isa sa mga golden rule sa pagsusugal ay ang pag-manage ng bankroll. Magkaroon ng budget at mag-stick dito. Iwasan din an habulin ang mga pagkatalo at maging disiplinado pagdating sa paglalagay ng pusta. Ang ganitong pamamaraan ay sinisiguro na makakapag-enjoy sa karera nang hindi inilalalagay sa panganib ang pinansyal na kakayahan.

10. Manatiling may alam

Ang kaalaman ay isang mahalagang bagay sa mundo ng horse racing betting. Maging updated at sumusunod sa mga balita tungkol sa mga kabayo, jockeys, at trainers. Dapat ding may kaalaman sa mga injuries, sa pagbabago ng training, o iba pang bagay na makakaapekto sa performance ng kabayo at posibleng maimpluwensyahan ang magiging resulta ng karera.

Konklusyon

Tunay na hindi mape-predict ang horse racing, pero ang mga horse racing betting tips na ito ang makakatulong sa iyo upang mapataas ang tyansa mo na magkaroon ng matagumpay na mga taya. Sulitin ang excitement ng mga karera, at nawa’y pumabor ang odds sa iyo!

Scroll to Top